Viral

Pokwang sinagot ang isang bastos na netizen na nagsabing pangit siya at papansin!



Nakakalungkot man isipin ngunit sa panahon natin ngayon, hindi na yata talaga maiwawaksi sa ating mga pag-uugali ang pagiging mapanghusga sa kapwa. Tila ba isang simpleng kamalian lamang ay marami na kaagad mga matang nakatanaw at nag-aabang upang humusga at pumuna.


Sa kabila ng mapanghusgang lipunan na ginagalawan natin sa ngayon, marami pa rin sa atin ang nananatiling tahimik at hindi na lamang nagsasalita patungkol sa mga ganitong bagay. Ngunit mayroon pa rin namang mga taong hindi papayag na basta na lamang sila husgahan at laitin ng ibang tao lalo na ng taong hindi naman nila kilala.


Tulad na lamang ng insidenteng ito na naranasan ni Pokwang na isang sikat na komedyante. Kamakailan lamang ay hinangaan ng maraming mga netizens ang batikang komedyante, aktres, at host na si Pokwang dahil sa kalmado at maayos nitong pagsagot sa isang netizen na bumastos sa kaniya sa social media.



Maaalalang nagbahagi ng isang post si Pokwang kung saan makikita ang larawan niya at ng kaniyang mister na si Lee, “Papang Lee” kung kaniyang tawagin. Ngunit tila mayroon isang bastos na netizen na hindi na pinangalanan pa ang nagkomento sa kaniyang post na ang pangit diumano at hindi niya kailanman nagustuhan ang aktres dahil sa OA ito papansin pa.

Agad namang nakatikim ng supalpal mula kay Pokwang ang walang modong netizen dahil sa sinabi ng sikat na celebrity na sa susunod ay mas mabuting pagmamahal ang ikalat nito sa ibang tao at hindi puro galit dahil sa masyado nang marami ang pinagdaraanan ng mga tao sa mundo ngayon. Nagpaalala din si Pokwang na sa halip na magdulot ng hindi maganda sa kapwa ay magdasal na lamang tayo.

Maraming mga netizens ang bumilib at namangha sa kaniya dahil sa ginawa niyang ito. Tunay nga na masasakit at hindi magagandang salita man ang ibinato sa kaniya ng netizen na ito ay nananatili pa ring mabuti ang kaniyang puso at kalooban.

Maaaring para sa ibang mga tao ay hindi ganoon kaganda si Pokwang, ngunit hindi ba mas nakalalamang ang pagkakaroon ng mabuting kalooban kaysa sa masamang pag-uugali na walang ibang nais kundi magdulot ng galit at manakit ng damdamin ng ibang tao?