Si Piolo Jose Nonato Pascual o mas nakilala ng publiko bilang Piolo Pascual ay 43 taong gulang na aktor sa pelikila at telebisyon, mang-aawit, modelo, at producer. Mayroong anak na babae at lalaki si Piolo. Sina Iñigo Dominic Lazaro Pascual at Alexandria Mesias na ipinanganak ng September 14, 1997.


Ang aktor na si Benjamin Alves ay pamangkin ng aktor. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang humahanga at nagmamahal sa isang Piolo Pacual.


Talaga namang pinatunayan niya ang husay niya sa pag-arte at maging sa pag-awit. Mula noon hanggang sa ngayon ay itinuturing pa rin siyang “Ultimate Leading Man” at “Certified Matinee Idol”.

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang kaniyang mga ginagawa habang patuloy pa ring umiiral ang “enhanced community quarantine”. Sa Batangas nananatili ang aktor kasama ang kaniyang ina na si Amelia Pascual.

Ibinahagi din ng aktor na kahit nasa rest house lamang siya ay hindi pa rin siya nakakalimot na tumulong sa maraming mga Pilipino na nangangailangan. Masayang masaya rin ang Kapamilya hunk dahil sa nakakasama niya ang kaniyang ina na unti-unti nang nagiging mabuti ang kalagayan.

Ayon kay Piolo ay gumigising siya ng maaga, naglalakad silang mag-ina at talaga namang nakikita at nasusubaybayan niya kung paano nagiging mabuti ang kalagayan niya. Nagpahayag din naman si Piolo nang paghanga sa maraming mga Pilipino at ang kaniyang kasiguraduhan na isang araw ay malalampasan rin natin ang kinakaharap natin pagsubok sa ngayon.

Hindi madali ang pinagdaraanan ng maraming mga Pilipino sa ngayon ngunit kung patuloy ang magiging pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa ay tiyak na magiging maayos rin ang lahat. Tunay nga na maraming naituro sa atin ang krisis na ito sa ngayon.


Napakaraming mga bagay tayong nakakaligtaan noon ngunit ngayon ay talaga namang nakikita na natin ang kahalagahan ng mga ito. Marami talagang mga bagay sa mundo ang hindi mabibili ng gaano man kalaking salapit tulad na lamang ng pagmamahalan ng pamilya at ang pagmamalasakitan sa isa’t-isa.