Viral

Pia Wurtzbach sinabihang “ghost” at hindi itinuring na kakompetensiya ni Ariadna Gutierrez!



Si Pia Alonzo Wurtzbach ay 31 taong gulang na aktres, modelo, host, at beauty pageant titleholder. Minsan na niyang pinasok ang industriya ng showbiz kung saan ginamit niya ang screen name niyang Pia Romero.

Isa siya sa apat na mga Pilipinang nagbigay ng karangalan sa bansa nang maiuwi nila ang korona ng prestihiyosong “Miss Universe Pageant”. Ito ay sina Gloria Diaz noong 1969, Margarita Moran noong 1973, at Catriona Gray noong 2017.



Napakarami ang humanga sa kaniya lalo na nang malaman ng publiko ang kwento ng kaniyang buhay, ang naging mga sakripisyo niya at pagsusumikap na naging dahilan upang makamit niya ang tinatamasa niyang tagumpay sa ngayon. Napakaraming mga oportunidad ang nagbukas mula nang makilala sa buong mundo si Pia.

Ngunit naging napakakontrobersiyal din naman ng kaniyang pagkapanalo dahil sa una nang naipahayag na ang nagwagi sa patimpalak ay ang Columbian beauty queen na si Ariadna Gutierrez. Makalipas ang apat na minuto ay ipinahayag ng sikat na host na si Steve Harvey na nagkamali siya sa ginawa niyang pagbasa ng nagwagi.


Talaga namang pinag-usapan ang pangyayaring ito sa buong mundo. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging pahayag ni Ariadna Gutierrez patungkol kay Pia Wurtzbach.



Ayon sa kaniya ay hindi naman niya itinuring na kalaban o kakompetensiya noon si Pia dahil sa tila isa itong multo na ilang beses lamang niyang nakita at hindi na muling nakasama pa.

“I actually saw her twice during the competition, once at the dining area and during rehearsals. But a person like a… a ghost! You see her and never again, like the exit signs! Nobody saw her!” Ito ang naging pagsasalin ng Pageanthology 101 sa naging pahayag ni Ariadna.

 

View this post on Instagram

 

xaxaxa it’s all around the World :X #lasvegas #bulgaria #missuniverse #missuniverso #philippines #piawurtzbach #planethollywood

A post shared by Radost Todorova (@joytodorova) on

“I used to go with the Latinas but we sat with the Asians and I did not notice her. She was very solitary, too. I did not notice her and when I did, I did not think of her as my competition. That is the truth.” Dagdag pa nito.