Marami sa atin ang nangangarap maging isang sikat na artista balang araw dahil sa malaki naman talaga ang kita dito kumpara sa pagtatrabaho sa opisina o di kaya naman ay pagpasok sa isang negosyo. Hindi na nakapagtataka na bata pa lamang ang marami sa atin ay talaga namang sinusuportahan na tayo ng ating mga magulang sa mga “auditions” at “go-see”.

Kadalasan, sa mga commercial ads nagsisimula ang lahat, kapag pinalad ay nabibigyan ng mga “offer” kung saan dito na nga magsisimula ang kanilang katanyagan. Marami din tayong hinangaan at kinabilibang mga artista noon, hindi lamang dahil maganda at gwapo sila kundi dahil na rin sa pambihirang talento nila sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte.




Isa na marahil sa kanila ang aktres noon na si Paula Peralejo. 90’s noong siya ay sumikat matapos niyang mapabilang sa kiddie gag show na “Ang TV” at ang sinubaybayan ng marami sa atin ang “Gimik”. Ngunit mas hinangaan siya ng marami dahil sa natatanging pagganap niya sa youth-oriented show na “Tabing Ilog” bilang si Anne na natapos noong taong 2003.
Kahit pa nga nagsisimula pa lamang noon ang napakaganda niyang karera sa show business, tinalikuran niya ito para sa kaniyang pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas. Para kasi sa kaniya ay hindi niya talaga kayang pagsabayin ang pag-aaral at pag-artista.

Kung kaya naman mas pinili niya ang makapagtapos ng pag-aaral at hindi nga siya nabigo dahil sa nakapagtapos siya bilang isang Magna Cum Laude noong taong 2008. Limang taon ang nakalipas at ikinasal naman sila ng kaniyang mister na si Charlie Fernandez. Nagbunga ang kanilang pagmamahal ng isang anak na lalaki.

Taong 2015 ay sinimulan niya ang kaniyang sariling “travel agency”. Para sa kaniya, masaya at kuntento na siya sa buhay niya ngayon kasama ang kaniyang sariling pamilya kasabay ng pagpapalago niya sa kaniyang negosyo.



Talaga namang nakakabilib siya hindi ba?





Previous articleKahit pa napakalakas ng ulan ng gabing iyon, 13 tuta inabandona pa rin sa isang bakanteng lote na talaga namang umantig sa puso ng maraming mga netizens!
Next articleIto pala ang tunay na ugali ni Judy Ann Santos sa likod ng kamera, talaga namang nakakagulat at maraming hindi makapaniwala!