Ibinahagi ng mag-asawang George at Chin ang makulay nilang buhay, kung paano nila tinatamasa ang masaganang buhay ngayon.

Sabay nilang hinarap ang hirap noong nagsisimula pa lamang sila limang taon mula ngayon.

Si Chin ay isang empleyado at sumusweldo lamang bilang isang minimum wage earner. Samantalang si George ay nagtitinda ng siomay, pizza roll at hotdog bun.


Naranasan nila ang kumain ng corned beef value pack sa halagang pitong piso at pansit canton hahang naghahanap pa ng maayos na trabaho.

Nagtatawa ang mga tao sa paligid nila, pero di nila ito pinansin. Pinagsikapan at pinagtulungan nila as a team ang mga hamon sa buhay.


Inaakala ng iba na sinuwerte sila, pero ang di nila alam maraming pinagdaanang hirap ang mag-asawa.

Ang tinatamasa nilang buhay ngayon ay bunga ng kanilang araw, buwan at taon na pagsisikap at pagtitiis.

Sa ngayon ay may-ari na sila ng isang maunlad na kumpanya, ang Suretrust Group, na may serbisyong auto loans, visa at travel services. Si George din ang CEO nito at bago nila naabot ang lahat ay nagkamali sila sa maraming negosyo, nabankrupt sa edad sa 23 at ngkautang ng 2 milyon.

Sa edad na 25 siya ay naging milyonaryo, at nagawaran bilang Multi-awarded young entrepreneur.

Ang kwento ng buhay ni George at Chin ay isang kamangha- mangha at kapupulutan ng aral, pagsusumikap at pagtitiyaga na di iniisip ang sasabihin ng iba. Mayroon silang laser like focus kung saan nakatutok ang tingin nila sa kanilang pangarap.

Isang patunay na ang pagsisikap at hindi pagsuko ay isa sa mga katangian ng matatagumpay na negosyante, na ano man ang pangarap ay kayang abutin basta pinagtulungan at pinagsumikapan.