Viral

Pagod na “balloon vendor” na pinilit magpahinga sa tabi ng kaniyang bisikleta, umantig sa puso ng publiko!



Agaw-pansin sa social media kamakailan lamang ang larawan ng mag-ama na ito na nakuhanan ng isang netizen. Ang naturang netizen ay nakilala bilang si Jandale Gacasa Forrester.

Hindi niya inaakalang makikita niya ang nakakahabag na sitwayson ng mag-amang ito kung kaya naman agad niya silang kinuhanan ng larawan at ibinahagi sa kaniyang social media account. Ayon sa naging “caption” ni Jandale sa kaniyang post ay hindi niya akalain kung bakit labis siyang nahahabag at naiiyak sa sitwasyon ng mag-ama.



Nagtitinda kasi ng lobo ang ama habang dala-dala ang kaniyang maliit pang anak. Hindi nila alintana ang sobrang init at pagod sa lansangan maging ang panganib ng sakit na COVID-19 kumita lamang ng kaunting halaga ng pera sa maghapon.

Mapapansin sa larawan na tila pagod na pagod ang ama at ang kaniyang anak dahil kahit pa matindi na ang tirik ng araw ay wala pa ring bumibili sa kanilang paninda. Marami ang nakakita ng post na ito ni Jandale kung kaya naman nais din nilang tulungan ang mag-ama sa abot ng kanilang makakaya ngunit wala palang cellphone o kahit anong “contact details” ang tindero ng lobo kung kaya naman wala pa ring balita si Jandale sa kanila.

Nangako naman siya na sisikapin niyang mahanap at matulungan ang kawawang mag-ama. Ayon sa naging pahayag niya, ang tinderong lalaki at ang maliit niyang anak ay mula pa sa Cavite.

Mayroon pa siyang naiwan na dalawang anak. Mayroon ding ilang mga netizens na nagsasabing madalas nilang makita ang mag-ama na nagtitinda sa malapit sa mga “fast-food chain” at ilang “grocery stores” sa Las Piñas kung kaya naman gulat na gulat silang malaman na taga-Cavite pala ang mga ito.

Nag-aalala din ang ilang mga netizens para sa kaligtasan at kalusugan ng batang nasa larawan dahil sa maaari din itong magkasakit o di kaya naman at mahawa ng COVID-19.