Viral

“Overweight” na FoodPanda rider, nakapagbawas ng 4 na kilong timbang matapos piliing mag-bike kaysa mag-motor sa kaniyang pagdedeliver!



Labis na katabaan at sobra sobrang timbang ang madalas na problema ng marami sa atin. Noon pa man ay marami na sa atin ang namomroblema dahil dito, hindi lamang buhat nang magkaroon ng pandemya sa bansa.

Photo credit: Harian Metro

Ngunit aakalain ba ninyong sa gitna ng pandemya ay mayroong magandang kahihinatnan ang mga bagay na nangyayari sa buhay ng isang FoodPanda rider na ito? Hindi lamang trabaho ang kaniyang nasumpungan kundi maging ang magiging tulong sa kaniya upang sa wakas ay makapagpapayat at makapagbawas na ng timbang.

Apat na kilo na rin kasi ang nababawas sa kaniyang timbang buhat nang magtrabaho siya bilang isang “FoodPanda rider” na hindi gumagamit ng motorsiklo kundi isang bisikleta. Siya ay nagtatrabaho dati bilang isang part-timer sa isang hotel at isang part-timer sa isang kilalang fast food chain.



Photo credit: Harian Metro

Sa kasamaang-palad ay nawalan ng trabaho ang 29 na taong gulang na si Siti Khadijah Suhaimi nito lamang Hulyo dahil sa pandemya. Sa kabila ng mahirap na pagsubok na ito ay nais talaga niyang mamuhay ng hindi nakadepende sa kaniyang mga magulang kahit pa nga pareho namang may pinagkakakitaan ang mga ito.

Binalak niyang maghanap ng trabaho sa kabila ng pandemya ngunit talagang naging napakahirap na pagsubok nito para sa kaniya. Kalaunan ay natanggap siya bilang isang “FoodPanda rider” ngunit wala siyang motorsiklo kung kaya naman bisikleta na lamang ang kaniyang ginamit.

Inamin naman niyang “overweight” siya kung kaya naman talagang nahirapan siya noong una sa dami ng kailangan niyang i-deliver. Sa kabila nito ay mas nagsumikap pa siya.

Hindi niya iniisip ang hirap ng trabaho lalo na ang pagbibisikleta bagkus ay iniisip niya na lamang na isa itong paraan upang siya ay makapag-ehersisyo.

“In the beginning, I was embarrassed but I fought off my feelings and thought as positively as I could about all of this. Plus, I lost 4kgs of my body weight after cycling to deliver orders,” Pagbabahagi ni Siti.