Isang lalaki kamakailan lamang ang nagbahagi sa social media ng kwento nilang magkasintahan. Nagpasalamat at pinuri nito ang kaniyang nobyang hindi nawala sa kaniyang tabi kahit pa nga mahirap lamang ang estado niya sa buhay at maging sa kaniyang pag-aaral ay hirap na hirap din ito.

At nang makapagtapos na nga siya sa kursong “Engineering” ay nangako siyang sisiguraduhin niyang kasama niya pa rin ang babaeng ito sa kaniyang tagumpay. Ayon kay Danniel Tubal na kasalukuyang nakapagtapos na ng kursong BS Civil Engineering, kahit pa “highschool campus crush” noon si Mariatherese Palma ay siya pa rin ang pinili nito.



Talaga namang ikinagalak ng puso niya ito dahil sa kahit wala man siyang pera ng mga panahong iyon ay hindi siya nito iniwan o ipinagpalit sa kahit anong bagay. Kahit pa maraming mga taong nagsasabing karamihan sa mga babae ay mayayaman lamang na mga lalaki ang gusto, isang patotoo ang kaniyang nobya na mayroon pa ring babaen na pipili at magmamahal sa iyo kahit hindi ka mapera.


Kahit pa noong mga panahong “kwek-kwek” lang ang kaya niyang ipang-date para kay Mariatherese ay wala itong reklamong narinig mula sa kaniya. Batid din ng kaniyang nobyang Php20 lamang ang kaniyang budget sa loob ng isang araw, madalas ay maglalagay na lamang ng pera ang nobya sa kaniyang bag upang mayroon itong pambili ng kaniyang pananghalian.

“She was with me and offered me 70% of her allowance when she knows that I only have 20 pesos on my pocket for my whole day class. Hindi nya sinasabi skin, iniiwan lang nya sa pockets ng bag ko, then pag nasa skul nako mag txtxt nlng sya na, ‘jam nasa pocket ng bag mo yung pang lunch ha,’” Pagbabahagi ni Daniel.


“She was with me even I cannot afford to buy her gifts on our anniversaries. She was with me when failed 3 subjects in midterm and almost [lost] hope. And I will make sure that SHE WILL BE WITH ME IN MY SUCCESS!” Dagdag pa niya.

Talaga namang napakaraming mga netizens ang kinilig at naantig sa napakagandang kwento ng magkasintahang ito.