Si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli ay 31 taong gulang na singer, dancer, aktres at record producer. Siya ay una nang nakilala noong 2002 matapos niyang manalo sa “television singing contest” na “Star for a Night”. Ito rin ang naging dahilan upang mabigyan siya ng kontrata ng “Viva Records”.


Nito lamang November 2019 ay ibinahagi nila sa publiko ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng kaniyang long-time boyfriend na si Matteo Guidicelli. Pinag-usapan ng publiko ang ginanap nilang pribadong kasal sa “The Fort” na pinangunahan ni Senior Pastor Paulo Punzalan noong February 20, 2020.


Talaga namang isa sa pinakahinahangaang personalidad ngayon sa telebisyon ang Kapamilya Pop Star Princess na si Sarah Geronimo. Hindi na nakapagtataka na magkaroon siya ng napakaraming mga tagahanga dahil sa kaniyang pambihirang husay sa pag-awit, pagsasayaw at maging sa pag-arte.


Mula noon hanggang sa ngayon ay talaga namang umaarangkada ang karera ni Sarah sa show business. Ayon sa ilang mga datos ng BIR ay nakapagbayad si Sarah ng P4.89 milyong piso mula sa P15 milyong piso na kaniyang kinita noong taong 2009.

Samantala nang sumunod na taon naman ay kumita siya ng P46 milyong piso at P14.83 milyon dito ang ibinayad niya para sa kaniyang buwis sa naturanh ahensya. Taong 2014 naman kumita siya ng P61.09 milyong piso at nagbayad naman siya ng P21.47 milyong pisong buwis.


Ayon pa sa isang artikulo ng “Esquire magazine” ay kumita ng $4.3 milyong dolyar si Sarah mula taong 2009 hanggang 2014 na halos katumba na ng P230 milyong piso. Talaga namang nakakalula ang kaniyang mga kinikita sa lumipas na mga taon.

Marahil ay ito ang naging basehan ng isang hindi kumpirmadong ulat na diumano ay nasa sampung milyong dolyar na ang total net worth ni Sarah o halos P509.42 milyong piso. Diumano ay hiwalay pa rito ang kaniyang kinikita bilang isang Vlogger na nagkakahalaga ng $75 milyong dolyar na ang katumbas ay P3.8 bilyong piso!