Showbiz, Viral

Nash Aguas at Mika dela Cruz nagdiwang ng ikalawang taon nilang anibersaryo!



Sina Nash Aguas at Mika dela Cruz ay isa sa pinakasikat na child star ng kanilang henerasyon hanggang sa ngayon. Marami ang talagang humahanga sa kanila dahil sa angkin nilang talento sa pag-arte na bata pa lamang ay talagang nalinang na.

Sinong mag-aakala na ang dating magkaibigan at magkatrabaho lamang ay magiging magkarelasyon pala sa totoong buhay? Nito lamang Oktubre 20 ay nagdiwang sila ng ikalawang taong anibersaryo nila bilang magkasintahan.



Talaga namang kilig na kilig ang napakarami nilang mga tagahanga dahil sa simple pero sweet nilang mensahe para sa isa’t-isa. Si Nash Aguas o si Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas sa tunay na buhay ay 22 taong gulang na Kapamilya actor na mapapanuod sa television series na “A Soldier’s Heart” habang si Mika dela Cruz naman o si Mariko Nicolette Egger dela Cruz sa tunay na buhay ay 21 taong gulang na Kapuso actress na minsan na nating sinubaybayan sa teleseryeng “Kara Mia” at “Daddy’s Gurl”.

Nagbahagi si Nash ng larawan nilang dalawa habang nakahiga sa isang duyan. Narito ang naging mensahe niya sa kaniyang pinakamamahal para sa kanilang anibersaryo: “To more goals and adventures. Happy Anniversary, Nget!”

Bumati rin naman si Mika sa kaniyang nobyo at sinabing: “happy 2nd year, ngetchi!” Gayundin naman ay binati din sila ng ate ni Mika na si Angelika dela Cruz na noon pala ay talagang kinatatakutan na ni Nash.



Ayon sa ilang mga ulat, taong 2017 nang ligawan ng aktor si Mika noong 2017 hanggang Oktubre 2018. Lingid sa kaalaman ng nakararamio ay 11 taon pala ang inabot bago pa man maging silang dalawa dahil noon pa man ay “crush” na ni Nash si Mika.

Taong 2007 pa lamang ay batid na ni Nash na espesyal talaga ang tingin niya sa katrabahong si Mika. Ngunit dahil sa mga bata pa sila ay mas minabuti na lamang nilang dalawa na magpokus muna sa pag-aaral at sa kanilang karera.