Si José Ezekiel Misa Madrid o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Ruru Madrid ay 22 taong gulang na aktor sa Pilipinas na sumikat noong mapabilang siya sa “Protégé: The Battle For The Big Artista Break”. Taong 2016 nang nabigyan ng proyekto si Ruru bilang si Ybarro/Ybrahim sa television remake ng Encantadia sa GMA Network.

Isa siya sa pinakahinahangaang aktor ngayon sa Kapuso network. Hindi lamang dahil sa angkin niyang karisma, kagwapuhan at pangangatawan kundi sa kaniyang mga nakakamanghang talento at personalidad.

Dahil sa hindi na mabilang ang mga proyekto na kaniyang ginawa ay talaga namang hindi na nakapagtataka na makaipon siya at makapagpundar ng ilang mga ari-arian. Isa na sa mga ito ang napakaganda niyang vacation house sa Antipolo na kinamanghaan ng publiko.

Ang bayan ng Antipolo ay isa sa mga lugar sa bansa na mayroong napakagandang tanawin. Maliban sa Tagaytay ay tiyak na nanaisin mo ring makapagpundar ng tahanan dito. Isa na sa mga kilalang personalidad na mayroong tahanan sa lugar na ito ay si Ruru Madrid. Napili ng kaniyang pamilya ng dito na lamang ipatayo ang kanilang “dream home”.

Matatagpuan ito sa Cogeo, Antipolo City. Napakagandang lugar din nito para sa kanilang mga family gatherings lalo na at ang kaniyang ama ay mula sa malaking pamilya na mayroong limang magkakapatid.

FACADE


Ang “facade” ng kanilang tahanan ay talaga namang makikitaan mo ng matatayog na mga puno na talaga namang nagdudulot ng preskong pakiramdam at sariwan hangin. Kulay na dilaw ang pinakanangingibabaw sa parte na ito ng kanilang tahanan. Pakiramdam mo ay nasa Baguio ka na rin dahil sa ilang mga Pine Trees sa paligid.

DISENYO


Lahat ng mga palapag sa kanilang tahanan ay mayroong “open terraces” at mayroon din itong pare-parehong sukat. Hindi rin naman nawawala ang mga “steel railings” sa mga hagdan para sa kaligtasan ng mga bata. Marami ding tiles ang kanilang tahanan upang madali itong mapanatili o malinis. Ang mga tiles din nila ay pinasadya upang wala masyadong aksidenteng maganap sa mga taong maninirahan dito.

LIVING AREA


Sa kanilang sala at mapapansin ang mga larawan ni Ruru, mga awards, family pictures, at iba pang mga palamuti. Mayroon ding nakasabit sa pader na poster ng isa sa mga pelikula ni Ruru.

SILID-TULUGAN


Ang isa sa mga kwarto dito ay mayroong mga pulang kabinet at puting kulay na mga pader. Ang bawat silid ay “personalized” ayon na rin sa kagustuhan ng bawat miyembro ng pamilyang gumagamit nito tuwing mayroon silang “get-together”.

OUTDOOR AREA


Dahil mahilig sa mga inihaw na pagkain ang pamilya ay mayroon din silang sariling ihawan na mayroong malaking berdeng payong at berdeng kulay na mga tiles.