Ang Pilipinas ay humaharap ngayon sa isang napakahirap na pagsubok kung saan maraming mga Pilipino ang labis na apektado ng pandemyang kinakaharap din ng buong mundo, ang COVID-19. Upang kahit papaano ay hindi na tuluyang lumalaganap pa ang naturang karamdaman ay ipinanukala na ng Pangulo ang pagkakaroon ng pinaigting na “enhanced community quarantine” sa maraming mga siyudad sa bansa.

Sa mga panahong ito ay talaga namang nararanasan at nasasaksihan natin ang maagap na pagkilos ng ating mga alkalde upang maghatid ng agarang serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Marami sa atin ang talaga namang nagagalak dahil sa hindi sila nagkamali sa mga pulitikong kanilang binoto habang marami din naman ang nagsisisi na pinili nila ang mga alkaldeng hindi ganoon katindi ang malasakit para sa kanilang mga mamamayan.

Ilan sa mga huwarang alkalde na patuloy na umaani ngayon ng mga papuri at positibong komento mula sa publiko ay sina Mayor Vico Sotto ng Pasig at Mayor “Yorme” Isko Moreno ng Maynila. Bukod pa sa kanila ay labis ding hinahangaan ang isa pang alkalde na ito na mula sa San Manuel sa Tarlac, ang 28 taong gulang na si Mayor Donya Tesoro.

Ibinahagi ng Facebook page na “Go Tarlac” ang ilang mga larawan ng nakabibighaning alkalde habang tumutulong ito sa pagrerepack ng mga relief goods na ipamamahagi sa kaniyang mga kababayan.

“Flex ko lang Mayor namin sa San Manuel Tarlac, si Mayor Donya Tesoro. Kung ang Pasig ay may Mayor Vico, at ang Manila ay may Mayor Isko, kami may Mayor Donya. Hindi lang puro ganda may nagagawa rin,” Ito ang caption ng naturang post.

Hindi lamang serbisyo para sa kaniyang nasasakupan ang hinahangaan sa dalagang alkalde dahil talaga namang napakaganda rin nito. Isa nga siya sa mga itinuturing na “Millennial Mayors” ng Mega Manila. Hindi lamang siya naging alkalde sa murang edad, dahil sa isa rin siyang certified fashionista at hilig din niya ang pamamasyal sa iba’t-ibang bansa. Talaga namang complete package nang maituturing ang kahanga-hangang alkalde na ito.