Si Kylie Nicole Sicangco Padilla-Abrenica ay 27 taong gulang na Filipino-Australian na aktres, modelo at recording artist. Siya ang isa sa mga anak ng aktor na si Robin Padilla sa dati nitong asawa na si Liezl Sicangco.


Isa siyang Muay Thai practitioner. Ibinahagi nila sa publiko ang engagement nila ni Aljur Abrenica noong Enero 2017 .


December 2018 naman ikinasal ang dalawa. Mayroon na silang dalawang mga anak, sina Alas Joaquin na isinilang noong August 4, 2017 at si Axl Romeo noong December 2019.


Kamakailan lamang ay nasorpresa ang marami nang magbahagi ang aktres ng larawan ng kaniyang lolo na si Roy Padilla, talaga namang makikita na kamukhang-kamukha ito ng kaniyang mga tito at maging ng kaniyang ama na si Robin Padilla. Mayroon din namang iba na pinagdebatehan kung sino ba talaga ang kamukha ng kaniyang lolo.

Maraming netizens ang namangha sa kagwapuhan ng kaniyang lolo na talaga namang mapapansin rin ang pagiging makisig nito sa kaniyang lumang larawan. Mayroong ilang netizen na nagsasabing kamukha ng matandang Padilla si Robin habang ang iba naman ay nagsasabing mas kamukha nito si Rustom Padilla.

Si Roy Padilla ang namayapang ama ng sikat na aktor na si Robin Padilla. Mayroon pa siyang tatlong mga kapatid na sina Rustom o mas kilala na ngayon bilang “BB Gandanghari, Royette at Rommel Padilla.

Ang kanilang ina ay ang dating aktres na si Lolita Eva Cariño. Ayon pa sa ilang mga ulat ang kanilang ama ay dating pulitiko na naging gobernador ng Camarines Norte mula noong 1975 hanggang 1988.


Isa rin siyang mahusay na direktor at aktor noong siya ay nabubuhay pa. Tunay nga na mas magiging masaya sana ang kanilang buhay kung hanggang sa ngayon ay kapiling pa rin nila ang kanilang mahal na lolo Roy.

Bagamat hindi na nabigyan ng pagkakataon si Kylie na makilala at makasama ang kaniyang lolo ay nasisigurado naman nitong tiyak na magkakasundo silang dalawa kung sakaling nabigyan sila ng pagkakataon.