Viral

Naalala n’yo pa ba si Joyce Jimenez? Ito na pala ang buhay niya ngayon matapos talikuran ang showbiz noon!



Tiyak na marami pa ring mga Pilipino ang nakakaalala sa nag-iisang “Pantasya ng Bayan”, walang iba kundi ang aktres na si Joyce Jimenez. Siya ay sumikat noong dekada ’90 hindi lamang sa angking kagandahan at talento sa pag-arte kundi maging sa napakaganda niyang katawan.

Lingid sa kaalaman ng publiko na sinubukan din pala niyang pasukin ang industriya ng “beauty pageant” sa bansa kung saan napabilang siya sa mga kandidata ng Miss Tgauig-Hollywood pageaht noong taong 1996. Hindi man niya naiuwi ang korona ay nasungkit naman niya ang “Miss Photogenic award”.



Ayon sa ilang mga ulat ay 18 taong gulang lamang siya noon nang magsimula siya sa industriya ng showbiz. Ilan sa mga naging sikat na proyekto niya noon na ay ang “Warat” (1999), “Ano Bang Meron Ka” (2001), “Narinig Mo Na Ba Ang L8est?” (2001), “I Think I’m In Love” (2002) at marami pang iba.

Maliban sa maraming mga pelikula at programa sa telebisyon ay nakilala rin siya sa pagpo-pose sa mga sikat na magazine. Ang huling naging magazine cover niya ay noon pang 2007.
Sa kabila ng napakagandang takbo ng kaniyang karera ay bigla na lamang tinalikuran ni Joyce ang industriya noong kalagitnaan ng taong 2000. Napabalitang pinili niyang lumipad at doon na manirahan na sa Estados Unidos.



Taong 2008 nang mapabalita ang pagpapakasal nila ng kaniyang Filipino-American boyfriend na si Paul Ely Egbalic. Siya ay isang sundalo ng United States Air Force.

Biniyayaan sila ng tatlong mga anak sina Jorja Ely siyam na taong gulang, si Jaysen Elise walong taong gulang at ang kanilang kaisa-isang anak na lalaki si Julian Elysson na limang taong gulang na. Taong 2015 nang matuklasan ng mag-asawa na mayroong “autism” ang kanilang anak na si Jaysen kung kaya naman dito nagsimula ang kanilang adbokasiya para sa “Autism Awareness”.

Makalipas ang maraming mga taon ay masaya nang namumuhay ang pamilya ni Joyce sa San Diego, California kung saan siya nagtatrabaho bilang isang “office supervisor”. Ipinahayag niya noon sa isa sa kaniyang mga interview na hindi niya pinagsisisihang nilisan niya ang show business noon kung kaya naman ngayon ay masayang masaya na siya kasama ang kaniyang asawa at mga anak.