Bilang isang Pilipino, nakasanayan na nating manuod ng sari-saring mga programa sa telebisyon at pelikula kung saan napapanuod natin ang mga paborito nating artista. Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi lahat ng mga artistang ito ay magtatagal o nagtagal sa industriya ng show business.

Marahil isa na sa kanila ang kilalang aktor noon na si Jao Mapa. Hinangaan din siya ng publiko bilang miyembro ng “Gwapings” kasama sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, Jomari Yllana. Si Jose Vicente D. Mapa III ay mas nakilala ng maraming mga Pilipino sa kaniyang screen name na Jao Mapa.

Siya ay 44 taong gulang na aktor, modelo, at pintor. Nakilala din siya noon dahil sa patalastas na Pepsi-Cola. Taong 1990s nang magsimula siya sa kaniyang karera sa pagmomodelo.

Naging co-host din siya sa mga variety shows tulad na lamang ng “Eat Bulaga!” at “ASAP”. Taong 1995 naman nang napabilang siya sa pelikulang “Pare Ko”.

Ngunit taong 2000 ay napagdesisyunan niyang lisanin na ang show business upang bigyang daan ang pag-aaral niya ng sining. Sa kabila nito ay mayroong mga usap-usapan na nilisan niya ang show business dahil sa naging broken-hearted ito dahil sa pag-iwan sa kaniya ng kaniyang nobya na diumano ay ipinagpalit siya sa ibang lalaki.


Kumuha siya ng kursong Fine Arts (Major in Advertising) sa Unibersidad ng Santo Tomas. Taong 2003 siya nakapagtapos at ipinapagpatuloy niya ang kaniyang pagpipinta.

Nagkaroon siya ng kauna-unahan niyang major show sa Grey Gallery sa Antipolo, Rizal noong 2012. Siya ay kinasal sa kaniyang misis na si Cecille at kalaunan ay biniyayaan sila ng tatlong mga anak, sina Benjamin, Caleb at Amber Marie.

Maraming nagtataka kung nasaan na nga ba sa ngayon ang isang talentado at mahusay na aktor na si Jao Mapa. Ayon sa ilang mga ulat ay walang pagsisising nararamdaman sa ngayon si Jao dahil sa naranasan naman niya lahat ng mga bagay noong bata pa siya at kuntento na siya roon. Paminsan-minsan ay napapanuod pa rin naman siya sa harapan ng kamera ngunit mas abala rin siya sa mga exhibits ng kaniyang mga obra bilang isang pintor.