Showbiz

Muling paglipad ni “Darna” na gagampanan ni Jane De Leon kinumpirma na ng ABS-CBN na matutuloy sa taong 2021!



Si Jane Florence Benítez de León o mas sumikat bilang si Jane De Leon ay 22 taong gulang na aktres, singer, modelo, at dancer. Isa siya sa mga naging miyembro ng “Girltrends”, isang “female dance group” ng noontime variety show na “It’s Showtime”.

Photo Credit: imjanedeleon instagram

Maaalalang Hulyo 17, 2019 nang ianunsiyo ang bagong aktres na gaganap dapat sa pelikulang “Darna” at si Jane nga ang napili para sa pagganap sa “epic role” ni Darna na talagang tumatak na sa puso at isipan ng maraming mga Pilipino. Bago pa man siya mapili para sa pagganap sa pamosong karakter ay naibigay na ito kay Angel Locsin at Liza Soberano ngunit pareho silang nagkaroon ng “injury” habang naghahanda sila sa pagganap sa kanilang role kung kaya naman mas minabuti na lamang nilang unahin at bigyang prayoridad ang kanilang kalusugan.

Photo Credit: imjanedeleon instagram

Hindi naging simple at madali ang mga pinagdaanan ng pelikulang ito, dahil sa pandemya ay talagang naantala na ng husto ang proyekto ito. Nagkaroon din ng malaking problema ang ABS-CBN dahil sa napaso nitong prangkisa.



Photo Credit: imjanedeleon instagram

Ngunit ayon na rin sa naging kumpirmasyon ng network, tuloy na tuloy na talaga ang muling paglipad ni Darna dahil sa hindi man ito maisapelikula ay ipalalabas na lamang ito bilang isang teleserye. Ayon kasi sa isang “reliable source”, hindi na magiging posible ang matapos ang pelikula nito dahil sa mas maraming mga “big scenes” ang kakailangan dito.

Photo Credit: imjanedeleon instagram

Mas maraming mga tao, mga talents at hindi talaga ito magiging posible dahil sa nasa 50 katao lamang ang maaari sa isang set. Kahit pa nga teleserye na lamang ipalalabas ang Darna ay si Jane pa rin ang gaganap bilang pangunahing karakter na si “Darna”.

Sa ngayon ay talagang pinakaaabangan at nasasabik na ng publiko ang bagong aktres na magbibigay buhay sa “Darna” na talagang sumisimbolo sa maraming mga Pilipino, noon at ngayon.