Sino ba naman ang mag-aakala na sa ganitong klase ng bahay ay may nakatago palang ganda?

Sa unang tingin ay mukhang luma at kinakalawang ang loob ng bahay na ito subalit kung makikita mo ang nasa loob nito tiyak na hahanga ka.



 

Simple pero di mo aakalain na maganda at kumpleto ang kagamitan sa loob nito, yan ang nagpamangha sa mga netizen matapos magviral sa social media ang dalawang palabag na bahay na ito.

Karaniwan sa atin mahirap at may kaya magarbo at mamahaling bahay ang nais para sa pamilya, pero kahanga-hanga ang naisip ng may ari ng bahay na ito.

 



Para daw ito sa mayaman na nais ng magandang bahay na di mainit sa mata ng magnanakaw at masasamang loob.
Ang galing diba? Low profile ika nga, iwas na sa mangungutang. Iwas pa sa banta sa buhay.

Aanhin nga naman natin ang bahay na maganda sa labas kung ang loob nito ay madumi at walang kaayusan.
Gayon man isang bagay na mahalaga ay mayroong tayong tahanang ligtas at maayos para sa ating pamilya, lalo na sa panahon ng kalamidad at pandemya.

 



Kung ating susuriin ay napakagaling ng nakaisip ng may-ari nang bahay na ito, isang bagay na kapupulutan ng aral, na wala sa labas ang tunay na kagandahan, ito ay nagmumula sa kalooban.

Isang simpleng bahay na may masaya at malusog na pamilya, bonus na lang yung ganda ika nga.