Viral

Motorsiklong nakabangga ng isang kotse, hindi na pinagbayad pa ng driver ng kotse!



Hindi na nga yata natin maiaalis ang init ng ulo ng mga motorista sa araw-araw. Driver man ng kotse, taxi, o motor, tiyak na magkakainitan kaagad lalo na kung parehong lalaki ang mga ito.

Hindi na rin bago ang mga banggaan at aksidente sa kalye dahil rito. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ibinahaging kwento ng isang netizen na nagngangalang Mark Joseph Flores.



Ayon sa kaniyang post ay nabangga ng isang motor ang kaniyang minamanehong kotse. Agad naman niyang tinanong ang lalaking sakay ng motorsiklo kung ayos lang ba ito dahil sa napansin niyang masama rin ang pagkakatumba nito.

Nahalata niyang kabado ang motorista kung kaya naman agad itong nagsalita at nagsabing wala siya dapat ipag-alala dahil sa wala naman siyang pababayaran dito. Labis na nagulat ang lalaki sa turan ng lalaking nagmamaneho ng kotse at agad agad itong nagpasalamat.
Nagbahagi din naman ng aral para sa publiko si Mark Joseph na hindi lahat ng nababangga ay dapat maningil. Mas nararapat na pag-isipan muna nating mabuti kung kaya ba niyang makapagbayad o hindi.

Dahil sa nakita naman niyang nagtatrabaho ang lalaking ito ay hindi na nga niya ito siningil pa bagkus ay inalok pa niya itong sumakay sa kaniyang kotse. Talaga namang umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens ang ginawang ito ni Mark Joseph.



Hindi lahat ng tao lalo na ang mga mayroong kotse ay mapapalampas ang ganitong pangyayari. Tunay nga na napakarami nang kaganapan sa ating paligid sa araw-araw.

Marami sa mga ito ay talagang makakapagdulot ng sari-saring emosyon sa isang tao: galit, lungkot, pagkabalisa, takot at marami pang iba. Ngunit mayroon pa rin palang mga taong nagnanais makatulong sa ibang tao sa simpleng mga bagay na kaya nilang gawin.

Kung kaya naman sa susunod na maipit tayo sa matinding trapiko o di kaya naman ay maungusan tayo ng isang sasakyan, hayaan na lamang natin. Maging maunawain at mapagbigay tayo sa abot ng ating makakaya.