Si Lloyd Cafe Cadena ay isang mahusay na vlogger, radio personality, at author. Isa siya sa pinakasikat na YouTubers dito sa Pilipinas. Mayroon siyang higit sa 5.298 million subscribers sa kaniyang social media account bago siya binawian ng buhay.

Maraming mga kilalang personalidad ang nakiramay at talagang nalungkot sa kaniyang pagkawala. Ayon sa mga balita ay nasawi siya dahil sa atake sa puso pagkatapos nito ay saka lamang lumabas ang resulta ng test sa kaniya na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.



Kahit pa wala na siya ngayon ay patuloy pa ring sinusuportahan ng kaniyang mga tagahanga ang kaniyang pamilya lalo na ang pinakamamahal niyang ina na si Mother Kween. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya sa social media dahil sa ginawa nilang pagpapa-blessing sa kanilang bagong bahay.

Ibinahagi ni Mother Kween na nagpahanda siya ng ilang mga pagkain para sa house blessing na ito at hindi niya kinalimutang ipaluto ang paborito ni Lloyd na “chicken curry” at malalaking sugpo naman para kay JM. Hindi rin naman nawala sa munting salo-salo nila ang pancit, spaghetti, at matatamis na mga kakanin.


Tanging malalapit na kamag-anak lamang ang naroroon dahil sa hindi pa rin pinahihintulutan ang maramihang pagtitipon ng mga tao na maaaring maging dahilan ng paglaganap pa ng pandemya. Marami ang natuwa dahil sa kahit papaano ay nakakangiti-ngiti na rin ang ina ni Lloyd ngunit batid naman natin na kahit gaano pa katagal ang lumipas ay hindi na mawawala pa sa puso at isip niya ang katotohanang wala na ang kaniyang anak.



At ito talaga ang isa sa pinakamasakit na karanasan para sa isang magulang. Hindi rin naman nakaligtaan ni Mother Kween na pasalamatan ang mga taong tumulong sa kaniya sa pagbuo ng video na ito.

Pinasalamatan din niya si Father Elsie de Castro na siyang nanguna sa pagbabasbas na ito sa bago nilang bahay. Hindi pa fully-furnish ang kanilang tahanan kung kaya naman balak ulit nilang magpa-bless oras na matapos na ito.