Si Emmanuel “Manny” Dapidran Pacquiao ay 41 taong gulang na “Filipino professional boxer” at kasalukuyang nanunungkulan bilang isa sa mga senador ng ating bansa. Isa siya sa pinakahinahangaang personalidad sa Pilipinas hindi lamang dahil sa pambihirang husay niya sa pagboboksing kundi dahil na rin sa napakalayo na ng kaniyang narating mula sa mahirap nilang pamumuhay noon.

Napakarami na kasi niya ngayong ari-arian, mga sasakyan, negosyo, at bahay sa loob at labas ng bansa. Kilalang-kilala din ang pamilyang ito dahil sa pagkakawang-gawa nila at pagtulong sa mga taong nangangailangan.

At siyempre, maging ang kaniyang pamilya at mga kamag-anak ay nakatanggap din ng tulong mula kay Manny. Ang kaniyang ina na si Mommy Dionisia ay napakapalad din dahil sa nagkaroon siya ng pagkakataong makaranas ng marangya at komportableng pamumuhay sa kabila ng mga sakripisyo at paghihirap niya sa pagpapalaki ng kaniyang mga anak.

Kamakailan nga lamang ay nagbigay inspirasyon sa maraming mga Pilipino ang napakaganda niyang bahay sa General Santos City. Kapansin-pansin ang napakalinis at napakaaliwalas na ayos ng kaniyang tahanan. Ipinakita rin ni Mommy D sa publiko ang koleksyon niya ng mga sapatos. Ang isa sa mga paborito niya sa mga ito ay ang mamahaling sapatos na bigay sa kaniya ni Jinkee Pacquiao.


Hilig din niya ang paglalagay ng mga larawan ng kaniyang mga anak at mga apo lalo na sa kaniyang “living room”. Tulad ng maraming mga nanay ay nangongolekta din si Mommy D ng iba’t-ibang mga “tablewares” na ang ilan pa ang ay naging pagmamay-ari na niya bago pa man makilala si Manny sa pagboboksing.

Mayroon namang kulambo sa kaniyang silid si Mommy D na nagsisilbing proteksyon niya sa lamok at iba pang mga insekto. Ibinahagi din naman niya sa mga viewers ni Jinkee sa kaniyang vlog na ikatlong bahay na pala niya ito at tinawag niya itong “Forever House”.

Hindi rin mawawala ang sariling chapel ni Mommy D sa kaniyang tahanan. Patunay lamang na sa kabila ng kaginhawan at tagumpay na tinatamasa nila sa buhay ay nananatili pa ring matatag ang pananampalataya nila sa Diyos.