Napakahirap at napakasakit mawalan ng minamahal sa buhay. Nasanay ka nang nariyan sila sa iyong tabi, nagkaroon ka ng rason upang magpursige sa buhay para sa kanila ngunit hindi mo akalaing darating pala ang panahon na mawawala sila sa iyo ng basta basta na lamang!

Hindi akalain ni Kirk Formoso na mararanasan niya at ng kaniyang pamilya ang napakahirap na sitwasyong ito. Sinong mag-aakala na darating sa punto ng kaniyang buhay na mawawala kaagad sa kaniya ang kaniyang misis at ang panganay nilang anak na nasa sinapupunan pa nito!



Hindi na napigilan pa ni Kirk na ibahagi sa publiko ang naging karanaasan nila sa pamamagitan ng pagbabahagi niyang ito sa social media. Ayon sa kaniya ay nakaranas sila ng diskriminasyon mula sa mga “healthworkers” at sa mga doktor ng ospital na pinagdalhan niya sa misis niya na anim na buwang buntis.

Agad nilang ipinabatid sa mga nars at doktor na mayroong lagnat at ubo ang kaniyang asawa at dahil doon ay tila iwas na iwas na ang mga ito sa kanila. Pinapunta na muna sila sa isang gusali kung saan sila nanatili ng kaniyang asawa na noong mga panahong iyon ay talagang hirap na hirap na sa kaniyang kalagayan.



Lumipas pa ang ilang mga oras at lumbas na ang resulta ng mga tests sa kaniyang misis. Lumabas nga sa resulta na mayroon itong Pneumonia ngunit hindi na daw ito maaaring pang i-admit sa ospital dahil sa wala nang bakante pang pasilidad para kaniyang buntis na asawa.
Pinayuhan na lamang silang umuwi at doon na lamang magpagaling sa kanilang tahanan hanggang sa lumabas ang resulta ng “swab test result”. Ibinahagi din niya na kinailangan niyang magbayad ng Php16,000 para sa naturang “swab test”.

Nakita din niya sa resibo ang Php3,000 na halaga ng ultrasound ng kaniyang mag-ina kahit pa nga wala pang 5 minutes ang ginawang ito ng OB ng kaniyang asawa. Dumating na ang araw na kinatatakutan niya at lumabas na nga ang resultang positibo nga ang kaniyang misis sa COVID-19 ngunit walang ospital na maaaring mag-admit sa kaniya.

Dahil sa hirap nang huminga ang kaniyang asawa ay lumapit na siya at pilit na nakiusap sa kanilang barangay upang matulungan silang madala sa ospital ang kaniyang asawa. Dinala na sila sa QCGH ngunit walang doktor na umasikaso sa kanila hanggang sa bumula na lamang ang bibig ng kaniyang asawa at matapos siyang i-CPR ay idineklara na itong sawi gayundin ang 6 na buwang sanggol sa kaniyang sinapupunan.



Talagang gumuho ang mundo ni Kirk dahil sa kakakasal pa lamang nila ng Hunyo at naging masaya naman ang kanilang relasyon sa loob ng halos walong taon. Sa ngayon ay pilit siyang nagpapakatatag hanggang sa ngayon.