Viral

Miss Universe Japan 2020 2nd runner up mayroon palang dugong Pinoy na ikinagulat ng maraming mga Pilipino!



Maraming mga Pilipino ang talagang sumusubaybay sa mga beauty pageant na ginaganap hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Kaabang-abang naman kasi talaga ang pagpapamalas ng mga kababaihang kalahok nito ng angkin nilang kagandahan, kaseksihan at katalinuhan.

Marahil ang Miss Universe pageant ang isa sa pinakasikat na beauty pageant sa buong mundo. Maraming mga kababaihan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang lumalahok dito.



Hindi rin naman nagpahuli ang maraming mga kababayanan nating Pilipina at nag-uwi na nga rin sila ng ilang mga karangalan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pagkakaroon ng dugong Pinoy ni Miss Universe Japan 2020 second runner-up na si Yuki Sonoda.

Hindi inaasahan ng maraming mga Pilipino na siya pala ay isang Filipina-Japanese beauty. Ang kaniyang ina ay isang Pilipina habang ang kaniyang ama naman ay isang Japanese mula sa Kagoshima, Japan.



Inilarawan ni Yuki ang kaniyang ina bilang ang kaniyang pinakapaboritong babae sa buong mundo. Noon pa man ay mahilig nang sumali sa mga beauty contest si Yuki.

Ayon sa ilang mga ulat ay sumali na siya noong 2015 sa Miss World Japan. Nang sumunod na taon naman ay naging kandidata din siya ng Miss Supranational Japan 2016 kung saan siya nagwagi bilang first runner up.

Sinubukan din niyang makuha ang korona sa Miss Asia Pacific Japan 2017 at hindi nga siya nabigong masungkit ang korona. Sumabak siya sa Miss Asia Pacific Japan International 2017 kung saan napabilang siya sa top 10 nito.

Ninais din niyang makasali noon sa Bb. Pilipinas ngunit hindi siya pinayagang sumali dahil sa kaniyang “citizenship”. Kinakailangan kasing Filipino citizen at passport holder sa Pilipinas ang mga kandidatang lalahok sa naturang pageant.



Nangyari man ito ay hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na magamit ang kaniyang angking talento, kagandahan, at katalinuhan upang maibahagi sa publiko ang kaniyang adbokasiya patungkol sa pagbibigay-pansin sa kalusugan ng bawat isa.