“Christmas is just around the corner”, mga katagang talagang damang-dama na ng marami sa atin. Ang ating bansa ang mayroong pinakamahabang selebrasyon ng Kapaskuhan. Setyembre pa lamang ay talaga namang nagbibilang na tayo ng mga araw hanggang sa eksaktong araw na pagsapit ng Pasko.

Hindi rin nawawala ang mga pagkaing Pinoy na talagang natitikman lamang natin sa panahon ng Kapaskuhan tulad na lamang halimbawa ng mga bibingka at puto bungbong sabayan mo pa ng mainit na tsaa. At siyempre, makakalimutan ba natin ang mga dekorasyon at palamuting sumisimbolo sa Pasko?

Ang mga Christmas tree na lamang bilang halimbawa, talagang namang marami ang nag-aabang na ikabit nina Nanay at Tatay ang mga “Christmas lights” at ang ating mga Christmas tree. Marami din ang nag-aabang sa mga naggagandahang Christmas tree ng mga hinangaan nating personalidad sa industriya ng show business.



Narito ang ilan sa kanila, ating silipin:

BIANCA GONZALEZ

Ibinahagi ng sikat na host, modelo at celebrity mom na si Bianca Gonzalez ang napakaganda nilang Christmas tree sa taong ito. Mayroon itong kombinasyon ng kulay puti at kulay ginto. Ayon pa sa post ni Bianca, noon pa man ay hilig na ng kaniyang pamilya ang magtayo ng Christmas tree sa tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan.

ANDI MANZANO



Si Andrea Bianca Martin Manzano o mas nakilala natin bilang si Andi Manzano ay 33 taong gulang na “radio jockey”, “television host”, at “actress”. Nagbahagi din siya ng larawan ng kanilang pamilya sa social media kung saan makikita sa kanilang background ang napakaganda nilang Christmas tree para sa Kapaskuhan ngayong taon.

JUDY ANN SANTOS


Para naman sa pamilya ng batikang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay nagtayo sila ng napakataas na Christmas tree kung saan si Ryan Agoncillo pa mismo ang naglagay ng bituin sa itaas na bahagi nito. Sa social media post ng mag-asawa ay kitang kita naman sa mga mata ng kanilang anak na si Luna na gandang-ganda ito sa kanilang Christmas tree.

PAULA PERALEJO




Si Paula Peralejo o si Maria Elena Paula Bautista Peralejo-Fernandez sa tunay na buhay ay 36 taong gulang na dating aktres at nakababatang kapatid ni Rica Peralejo. Napakaaliwalas at napakalinis namang tingnan ng “living area” ng pamilya ni Paula kung saan din makikita ang kaniyang simple ngunit napakagandang Christmas tree.

DIVINE LEE


Para naman sa pamilya ng sikat na TV host at vlogger na si Divine Lee, nagtayo sila ng isang malaki at makulay na Christmas tree. Ginto, pilak at kulay pula ang mga pangunahing kulay ng itinayo nilang Christmas tree.

KATHRYN BERNARDO


Talaga namang pinaghandaang mabuti ni Kathryn Bernardo ang napakaganda niyang Christmas tree. “White Christmas” naman ang tema nito para sa 24 na taong gulang na aktres. Mayroon ding mga kulay pulang laso at mga puting Oso na talagang nagdagdag ng ganda sa kaniyang kakaibang Christmas tree.
Tunay nga na napakasarap pagmasdan ng mga dekorasyon at palamuting sa ating mga tahanan sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Sa kabila ng napakaraming mga bagay na nangyari sa atin ngayon sa taong ito, talaga namang dapat tayong maging mapagpasalamat tungkol sa napakaraming mga biyaya at pagpapalang ating natanggap at patuloy na natatanggap.



Hindi natin dapat kaligtaan na ang tunay na diwa ng Pasko ay nasa pagmamahalan at pagbibigayan nating lahat, hindi ito nakukuha sa laki o sa ganda lamang ng ating mga palamuting pang-Pasko bawat taon. Dapat nating ibahagi sa kapwa ang pag-ibig at pagtutulungan ng bawat isa. Ikaw, paano mo itatayo at lalagyan ng mga palamuti ang iyong Christmas tree?





Previous articlePulubing mag-ama na gutom na gutom ang walang kapera-pera, agad na tinulungan ng ginang na ito. Binili ng makakain at inabutan ng kaunting pera!
Next articleKahit pa napakalakas ng ulan ng gabing iyon, 13 tuta inabandona pa rin sa isang bakanteng lote na talaga namang umantig sa puso ng maraming mga netizens!