Viral

Maja Salvador nagdiwang ng kaniyang ika-32 taong kaarawan kasama ang kaniyang nobyong si Rambo Nunez!



Wala nang mas sasaya pang selebrasyon ng ating kaarawan kundi ang pagdiriwang natin nito kasama ang ating mga mahal sa buhay. Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na mayroong tao na nag-abala at nag-asikaso upang maging espesyal ang araw ng iyong kapanganakan.

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-32 taong kaarawan niya si Maja Salvador at talaga namang maraming mga netizens ang kinilig dahil sa naging palitan nila ng mensahe ng kaniyang non-showbiz boyfriend sa social media. Marami din naman ang humanga sa mga magagandang kuha ng larawan nilang magkasintahan sa naging bakasyon nila sa Amanpulo.



Ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram post ang larawan nilang dalawa ng kaniyang nobyo kalakip ng sweet na caption na “My Dearest @rambonunez, Thank you for making my birthday special. ILY.” Agad naman itong sumagot ng “Of course [heart emoji]” sa kaniya.

Ito naman ang nakakilig ding mensahe ni Rambo para kay Maja: “Happy Happy Birthday My Love! Looking forward to many more of your birthdays in this wonderful journey with you. Keep being a blessing to everyone around you. I love you so much!”

Hindi rin naman nakalimutan ni Maja na magpasalamat sa mga taong bumati at nakaalala sa kaniyang kaarawan. Ito ang naging pahayag niya sa isa pa niyang post:
“Thank you everyone for all the birthday wishes! So blessed and grateful to have so many amazing people in my life! Mahal ko kayo.”



Si Maja Ross Andres Salvador o mas nakilala ng publiko bilang si Maja Salvador ay 32 taong gulang na aktres, singer, dancer, producer, at vlogger sa Pilipinas. Marami ang humahanga at nagmamahal sa kaniya dahil sa mabuti niyang puso at sa napakahusay niyang pagganap sa mga karakter na ipinagkakatiwala sa kaniya sa telebisyon man o sa mga pelikula.

Taong 2017 nang ginawa niya ang TV series na “Wildflower” kung saan gumanap siya bilang si Lily Cruz / Ivy Aguas.