Maine Mendoza, may sweet na post para sa kaniyang nobyong si Arjo Atayde na nagdiwang ng ika-30 taon niyang kaarawan!



Marami ang sumama ang loob nang mapabalita noon na nagkakamabutihan na nga sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Inakala kasi ng publiko na magkakaroon ng “happy ending” sa tunay na buhay ang on-screen love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na gumanap ng pangunahing karakter sa Kalyeserye ng programang “Eat Bulaga!”

Dahil sa milyong-milyong mga tao na umasa at nag-akalang magkakatuluyan nga sina Alden at Maine ay tuluyan nang nagsalita patungkol dito si Maine na hindi lahat ng bagay na gusto natin ay mangyayari. Humantong na din kasi sa puntong pinagbabantaan na ang buhay ni Arjo at ng kaniyang pamilya.



Ang nais niya lang ay maging tunay na masaya sa kaniyang trabahong ginagawa at siyempre maging sa personal niyang buhay. Dito na nagsimulang tanggapin at respetuhin ng publiko ang damdamin ni Maine at ang desisyon niyang buksan ang kaniyang puso sa taong nagugustuhan niya talaga.


At kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng ika-30 taon niyang kaarawan ang aktor na si Arjo kasama ang kaniyang pamilya at ang kaniyang kasintahan na si Maine. Kitang kita naman sa kanilang mga mata ang labis na kasiyahan base na rin sa mga larawan na ibinahagi sa social media ng kaniyang ina na si Sylvia Sanchez, isa ring mahusay na aktres.

Kasama ng pamilya ni Arjo si Maine na nagbahagi din naman ng kaniyang pagbati sa kaniyang nobyo sa social media account nito. Simpleng “Happy birthday” lamang ang caption ni Maine sa kaniyang post ngunit talaga namang naghuhumiyaw ang kanilang larawan na talagang masaya sila sa piling ng isa’t-isa.



Hindi tuloy maiwasan ng maraming mga netizens ang mapangiti at labis na kiligin dahil sa kanilang “sweetness”. “Sana all!” nga komento ng iba. Tunay nga na bagay silang dalawa sa isa’t-isa. Habang tumatagal ang kanilang relasyon ay marami ang umaasang mauwi na sa kasalan ang pagmamahalan ng dalawa.