Showbiz

Maine Mendoza at Alden Richards, muling pinakilig ang AlDub nation dahil sa muli nilang pagtatambal sa isang endorsement!



Ilang taon na rin ang nakaraan buhat nang una nating napanuod ang nakakakilig na tambalan ni Maine Mendoza at Alden Richards sa harapan ng kamera. Sino ba naman ang makakalimot sa tambalang “AlDub”?

Napanuod natin silang dalawa sa “Kalyeserye” segment ng Eat Bulaga kung saan gumanap si Alden bilang siya mismo habang si Maine naman ay unang nakilala bilang si Yaya Dub (Divina Ursula Bokbokova Smash). Napakaraming mga Pilipino ang talagang napamahal sa kanilang tambalan, hindi lamang mga Pilipino dito sa bansa kundi maging mga kababayan natin sa ibang bansa.



Ngunit hindi tulad ng mga napapanuod natin sa mga pelikula at sa telebisyon ay mangyayari din sa tunay na buhay lalo na sa sitwasyon nina Alden at Maine. Ngayon ay masaya at maayos na silang namumuhay dahil sa mas nagagawa na nila ang lahat ng mga bagay na nais nila na walang ano mang “pressure” at pagdikta mula sa ibang tao.


Makulay at puno ng pagmamahal ang buhay pag-ibig ngayon ni Maine dahil sa matatag nilang relasyon ng kaniyang nobyo na si Arjo Atayde. Samantala naman ay “single” pa rin ang Kapuso host na si Alden.

Nagbigay pa nga ng mensahe para sa kaniya si Maine sa ginawa nilang “contract signing” noong Disyembre 10 sa “bago nilang “endorsement” na “Toktok”. Ito ay isang bagong “delivery service”.

Nang hingan naman ng mensahe si Maine para sa dati niyang ka-loveteam na si Alden, ito lamang ang kaniyang sinambit:
“Basta, happy ako kapag happy lang si Alden. Ang wish ko, sana, may love life ka na.”


Ang ginawang Facebook live para sa kanilang contract signing sa endorsement na ito ay umani kaagad ng mahigit sa 30,000 na mga viewers at halos 1,900 shares at 10,000 ang mga nag-comment. Kasama nina Maine at Alden na pumirma sa kontrata ang mga boss ng “Toktok” na sina Carlito Macadangdang at Jonathan So.



Si Nicomaine Dei Mendoza o mas hinangaan natin bilang si Maine Mendoza ay 25 taong guklang na aktres at social media personality. Marami ang humanga sa kaniya dahil sa pagiging masayahin niya at totoo sa kaniyang sarili.