Viral

Magkasintahan nagpatayo ng isang magandang bahay sa loob lamang ng tatlong buwan sa halagang Php280,000!



Napakasarap magkaroon ng sarili mong tahanan lalo na kung nais mo na talagang bumukod kasama ang iyong minamahal. Mayroong ilan na sa atin na makapagpundar lamang ng isang bahay at lupa ay manghihiram sa bangko at sisikaping magbayad dito sa loob ng 30 taon.

Mayroon din namang ilan sa atin ang talagang nag-iipon ng husto upang makalipas ang ilang mga taon ay makabili na sila ng sarili nilang bahay at lupa. Ngunit para sa magkasintahang Abby Magtulis, 28 taong gulang at Hazel Garcia, 31 taong gulang ay hindi na nila kailangan pang maghintay at mag-ipon ng matagal upang mayroon silang matawag na sarili nilang tahanan.



Napagdesisyunan kasi nilang magpatayo na ng sarili nilang tahanan sa halagang Php280,000. Ang naging konstruksiyon ng kanilang “tiny house” ay inabot lamang ng tatlong buwan. Laking tipid lalo na sa “labor” hindi ba?

Ayon sa magkasintahan, minsan na silang namangha sa napakagandang “cottage” ng isang resort na minsan nilang napuntahan kung kaya naman naisipan nilang gayahin ito ay magpatayo ng bahay na tulad nito.

“We decided to build it because gusto po namin magkaroon ng sariling space and privacy. Kasi we’re working from home since 2017 and we wanted a place we can work and relax at the same time,” ” Pahayag ni Abby sa naging panayam sa kaniya ng “GMA News Online”.

Sinong mag-aakala na sa halagang Php280,000 ay mayroon na silang “tiny house” na mayroong dalawang “work stations”, living area, kama at sarili nitong palikuran? Mayroon din silang maliit na lugar sa kanilang bubungan kung saan sila maaaring magrelaks at magmuni-muni.



“What we love most in our tiny home, is that meron po talaga kaming privacy and we feel na palagi kaming naka staycation. Lalo na sa rooftop, we feel super relaxed kapag naka tambay doon,” Pahayag pa ni Abby.

Tunay nga na wala talagang papantay sa “peace of mind” na dulot ng pagkakaroon ng privacy sa sarili mong tahanan!