Viral

Magkasintahan na nakaipon ng maraming pera dahil sa itinuring nilang “invinsible” ang mga Php50 perang papel, hinangaan sa social media!



Sa panahon natin ngayon, sadyang napakahirap at napakaimposible na yata ang makaipon tayo ng malaking halaga ng pera at makapundar ng sarili nating bahay at lupa. Ngunit tila hindi alintana ng magkasintahang ito ang napakaraming bagay na maaaring maging hadlang sa kanilang pinapangarap na bahay.

Ayon sa ilang mga ulat, nitong nakaraang taon lamang ng mapanuod ni Kember Flores Casabuena ang “Invisible Php50 Challenge” sa sikat na magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Sojo”. Noong umpisa ay sa kahon ng sapatos lamang siya naglalagay ng kaniyang mga inipong pera ngunit kalaunan ay nakumbinsi na rin niya ang kaniyang partner na si Alphie Castante Olvis.



Hindi pa sang-ayon noon ang kaniyang partner sa kaniyang ginagawang pag-iipon ngunit nang nakita naman nitong sobrang determinado at pursigido siya ay hindi na rin naman ito tumutol pa at nagsimula na rin siyang mag-ipon. Hindi naging madali ang kanilang pag-iipon ngunit dahil na rin sa nais nilang matupad ang pangarap nilang bahay ay hindi sila agad sumuko bagkus ay nagsumikap at nagpursige pa sila.


Ilang buwan ang nakalipas at hindi na kasya sa kahon ng isang sapatos ang iniipon nilang mga pera kung kaya naman sa lumang balde ng pintura na walang laman na sila nagpatuloy mag-ipon. “Tile setter” ang trabaho Alphie ngunit kahit pa nga hindi regular ang kaniyang trabaho ay mas minabuti nilang magtipid at gumastos lamang ng sapat sa araw-araw.

Kahit nga sa kabila ng pandemyang COVID-19 ay nagpatuloy pa rin ang dalawa sa kanilang pag-iipon. At nang mapuno na nila ang kanilang sisidlan ay talaga namang walang mapaglagyan ng kasiyahan ang dalawa dahil sa wakas ay nakaipon na sila ng “6-digit” na halaga ng perang gagamitin nila upang maipagawa ang bahay na matagal na nilang pinapangarap.



Talaga namang napakagandang inspirasyon nito para sa maraming mga Pilipino dahil sa kung nais mo talagang makapagpundar at makapag-ipon ay walang magiging anumang dahilan o rason para hindi mo ito ituloy.