Viral

Mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco namahinga muna mula sa kanilang mga trabaho at inenjoy ang kanilang bakasyon sa isang resort sa Lipa, Batangas!



Marami sa atin ang madalas ay nawawalan na ng panahong mamahinga at magrelaks dahil sa dami ng mga trabahong kailangan nilang tapusin at mga bagay na kailangan nilang gawin.

Bilang isang normal na tao ay talaga namang makakaramdam ka din ng pagod paminsan-minsan ngunit hindi ito dahilan upang tuluyang sumuko na lamang sa dami ng pagsubok ng buhay.



Sabi nga ng matatanda, kung pagod ka na ay maaari ka namang mamahinga, wag ka lang susuko sa buhay. Isang patunay na marahil dito ang masayang bakasyon nina Melai at Jason sa isang wellness spa and resort na matatagpuan sa Lipa, Batangas. Kilalang masipag ang mag-asawang ito sa industriya at talaga namang walang inaatrasang raket.

Ito ay dahil nais nilang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang dalawang anak na sina Mela at Stela. Talaga namang sulit na sulit ang pamamahinga ng buong pamilya dahil sa hindi lamang simpleng spa ang kanilang pinuntahan.



Nasubukan mismo ng Melason ang “water wellness treatment” sa Healing Sanctuary Bar sa Lipa City, Batangas. Ang wellness treatment na ito pala ay makatutulong upang madetoxify ang katawan, mapababa ang anxiety level at nakapagpapaganda din ng kutis ng balat.


Talaga namang relaks na relaks ang mag-asawa at tanggal talaga ang pagod na kanilang nararamdaman nitong mga nagdaang buwan. Mapapansin din sa ibinahagi nilang video na hindi lamang paglangoy sa swimming pool ang na-enjoy nila kundi maging ang masahe at mala-sauna experience nila.

Hindi rin naman nagpahuli sa pagiging bibo ang kanilang mga anak lalo na si Mela na kanilang panganay dahil sa ito mismo ang nagpakita sa video ng mga napakasarap nilang pagkain at maging ang slice cake ng kaniyang daddy Jason na siyang nagdidiwang ng kaarawan nito.



Maraming mga netizens din ang kinilig sa pagiging sweet ng mag-asawa at marami ang natuwa sa pagiging maasikaso ni Melai sa kaniyang asawa at mga anak.