Si Andi Eigenmann ay isa sa pinakahinahangaang aktres noon dahil sa kaniyang natural na kagandahan at nakakabilib na talento sa pag-arte. Siya ay anak ng isa ring mahusay at beteranang aktres na si Jaclyn Jose.


Ang kaniya namang ama ay isa ring mahusay na aktor, ang namayapang aktor na si Mark Gil. Marami ding pinagdaanan noon si Andi ngunit mas naging matatag siya sa mga naging karanasan niya na iyon.

Ngunit sa kabila ng kasikatan, tagumpay at malaking kita sa industriya ng show business ay mas pinili niyang mamuhay ngayon ng simple kasama ang kaniyang maliit ngunit masayang pamilya.

Si Andi ay mayroon nang panganay na anak sa kaniyang dating nobyo na si Jake Ejercito na si Ellie habang biniyayaan naman sila ng isa pang anak ng kaniyang kasalukuyang partner na si Philmar Alipayo, si Baby Lilo.


Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang napakasayang bonding moments ng mag-ama. Ibinahagi ni Philmar, isang sikat at mahusay na surfer sa kaniyang Instagram account ang video nito kasama ang kaniyang 10-buwang gulang na anak habang sila ay masayang nagsusurfing.

Si Andi ang kumukuha ng video sa malayo na talaga namang masayang-masaya at sinisigaw pa ang pangalan ng kaniyang anak. Bagamat malabo ang kalidad ng video ay marami pa rin ang namangha at natuwa dahil sa kakaibang bonding moments ng mag-amang ito.

Maaaring 10 buwang gulang pa lamang si Baby Lilo ngunit talagang sanay na sanay na ito sa kanilang simpleng pamumuhay na malapit sa dagat at sa kalikasan.

Hindi madali ang maging isang magulang o ang bumuo ng isang pamilya ngunit nagsilbing inspirasyon sina Andi at Philmar para sa mga taong nagnanais na mamuhay ng simple at kuntentong buhay ngunit komportable pa din.

Kahit pa walang malaki at magarbong tahanan, magagarang sasakyan, mamahaling mga bag, sapatos o damit basta ang mahalaga ay ligtas at masaya ang mga taong minamahal natin.