Si Luis Philippe Santos Manzano o mas nakilala ng publiko bilang si Luis Manzano ay 39 na taong gulang na aktor, host, VJ, at modelo. Siya ay anak ng mga batikang artista na sina Edu Manzano at Vilma Santos.

Ang kaniyang 66-anyos n a ina ay isang respetadong pulitiko at beteranang aktres. Nakilala siya bilang “Star for All Seasons”, “Grand Slam Queen”, “Queen of Queens”, at “Longest Reigning Box Office Queen of Philippine Cinema”. Habang ang kaniyang ama naman na si Edu ay 64-anyos na aktor, komedyante, pulitiko at United States Air Force veteran.


Tunay nga na hindi biro ang maging anak ng mga sikat na personalidad sa bansa. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtatakang hindi siya talaga nagkaroon ng normal na buhay noong kaniyang kabataan tulad na lamang ng ibang mga kabataan.

Naitampok ni Jessy Mendiola ang kaniyang nobyong si Luis sa isa sa kaniyang mga vlogs. Dito ay tinanong niya ito kung sino pang babae ang nais niyang makasama sa isang dinner maliban sa kaniya.

“From my heart, mommy ko. Seryoso. Kasi yun yung ibang bagay na hindi namin nagawa ng ermat ko- have something na parang quality time. Kasi alam ng lahat na yung mommy ko is a superstar. So marami kaming hindi nagawa na bagay.” Pahayag ni Luis.

Naikwento din naman ni Luis na noon ay sinubukan ng kaniyang ina na iparanas sa kaniya ang normal na buhay kahit isang beses lamang. Nagtungo sila noon sa isang supermarket ngunit nakakatatlong hakbang pa lamang ang kaniyang ina ay mayroon nang nakapansin at nakakilala sa kaniya.

Pinagkaguluhan na sila ng mga tao at kinailangan na nilang bumalik sa kanilang sasakyan at umuwi. Marahil kung mayroon mang mga gawain o bagay na hindi sila nagawa noon ng kaniyang ina ay ang pamamasyal sa mall at iba pang pampublikong lugar na natural lang na ginagawa ng magulang kasama ang kanilang mga anak.