Luis Manzano at Jessy Mendiola ibinahagi ang kwento ng kanilang “engagement” na talagang pinakahihintay ng marami nilang mga tagahanga!



Engaged na nga talaga ang longtime celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Kay tagal inabangan ng publiko ang kanilang pagpapakasal kung kaya naman talagang walang mapagsidlan ng tuwa ang kanilang pamilya, mga kaibigan at mga fans.

Photo credit: Senorita_jessy instagram

Makalipas ang ilang araw mula nang ibahagi nila sa publiko ang mga larawan ng kanilang “engagement” ay ibinahagi ng dalawa ang tunay na kwento sa likod ng kanilang “engagement”. Pagbabahagi ni Luis, Setyembre 2019 pa lamang ay mayroon na siyang inihandang “engagement ring”para sa kaniyang “proposal” kay Jessy ngunit Pebrero nang sumunod na taon ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Photo credit: Senorita_jessy instagram

Hanggang sa nagkaroon na nga ng pandemya at buwan ng Mayo ay napagdesisyunan na nilang dalawa na mamahinga muna. Para kay Jessy ay “break” na sila habang para naman kay Luis ay “cool off” lamang ang nangyari sa kanila.



Photo credit: Senorita_jessy instagram

Sumapit ang ika-29 na araw ng Mayo at hindi nga inaasahan ng aktres na sasabihin, ipapakita at ipapasuot sa kaniya ng kanilang kaibigan ang “engagement ring” na dapat sana ay si Luis ang gagawa. Talaga namang gumuho ang mundo ni Jessy nang mga oras na iyon ngunit sinikap pa rin niyang mag-isip ng maayos at hindi pairalin ang galit na nararamdaman niya dahil sa nalaman na niya agad ang sorpresa dapat sa kaniya ng kaniyang minamahal.

Photo credit: Senorita_jessy instagram

Pakiramdam niya ay nanakaw sa kanila ang pagkakataon at ang pakiramdam ng tunay na “proposal”. Sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa kanilang dalawa ay nagawa pa rin nilang ayusin ang lahat.

Pagbabahagi pa ni Jessy, sa naging paghihiwalay nila ni Luis ay napag-isipan niya ng husto ang kanilang mga pagkakaiba at ang kaniyang kamalian. Umamin siyang mapusok siya talaga at ayaw na ayaw niyang hindi naaayos ang kanilang away bago matapos ang isang buong araw.

Photo credit: Senorita_jessy instagram

Para naman kay Luis ay nais lamang niyang pahupain ang mainit na sitwasyon bago pa ayusin ang lahat kung kaya naman ayos lang sa kaniya ang matulog kahit may hindi sila pagkakaunawaang dalawa. Sa ngayon ay mas naintindihan na ni Jessy si Luis dahil ayon sa kaniya, ang isang relasyon ay hindi lamang tungkol “sa iyo” kundi tungkol “sa inyong dalawa” ng iyong minamahal.