Viral

Larawan ni Apo Whang Od noong siya ay dalaga pa, hinangaan ng maraming mga netizens!



Maliban sa magagandang mga tanawin at mga pasyalan dito sa Pilipinas ay mayroon tayong napakayaman na kultura at tradisyon. Hindi na nakapagtataka na maraming mga dayuhan ang talagang napapamahal kaagad sa ating kasaysayan, kapaligiran at maging sa ating mga Pilipino.

Hanggang sa ngayon naman ay patuloy pa ring iniingatan at pinagyayaman ng marami sa ating mga kababayan ang ilan sa ating mga kultura at tradisyon. Tulad na lamang ng isa sa pinakamahusay at pinakamatanda nating mambabatok o “tattoo artist” dito sa bansa.



Si Whang Od Oggay o mas nakilala ang publiko bilang si Apo Whang Od 𝟷𝟶𝟹 taong gulang na sa ngayon. Siya ay nakatira sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga Province. Ang sinaunang tradisyon ng kanilang probinsiya ang talaga namang dinadayo ng maraming mga lokal at dayuhang turista.

Ayon sa ilang mga ulat, kinakailangan mong bumiyahe ng halos 15 oras para lamang makapunta ka sa kabundukan ng Buscalan kung saan naroroon si Apo Whang Od. Mararating lamang ang kabundukan na ito sa pamamagitan ng pag-akyat ng bundok.



Sa edad na 15 anyos ay nagsimula nang mag-aral nang pagbabatok si Apo Whang Od. Naging mahusay siya sa larangang ito kahit pa nga mga lalaki lamang sa kanilang tribu ang maaaring gumawa nito.

Ito ay dahil na rin sa paggabay sa kaniya ng kaniyang ama. Abo at tinik ng pomelo ang madalas niyang gamitin sa balat ng kaniyang mga parokyano. Talaga namang sikat na sikat nga si Apo Whang Od sa maraming mga dayuhan at maging sa maraming mga Pilipino.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang napakaganda niyang larawan noong dalaga pa siya. Ibinahagi ito sa social media ni John Kevin Ortiz at talaga namang kapansin-pansin na napakasimple lamang ng kaniyang hitsura at pananamit noon ngunit talaga namang mamamangha at bibilib ka sa kaniyang dating.



Ayon kay Apo Whang Od ay hindi na siya nakapag-asawa at nagkaroon pa ng anak dahil sa pangako niya noon sa kaniyang kasintahan bago ito bawian ng buhay.