Viral

Larawan ng sanggol na tila ginigising ang kaniyang ama sa kabaong ito, umantig sa puso ng maraming mga netizens!



Tunay nga na mahirap ang buhay na nararanasan ng marami sa atin. Ngunit kahit gaano pa kahirap ang nararanasan natin sa ngayon ay hindi pa rin tayo sumusuko sa mga pagsubok ng buhay.

Para sa atin, habang mayroong buhay ay mayroon pa ring pag-asa. Ngunit paano nga kaya kung pumanaw na ang taong pinakamamahal mo? Halimbawa na lamang ang ama ng batang ito na halos wala pang isang taong gulang, pumanaw na kasi ang kaniyang ama at tila ba walang kamalay-malay ang sanggol na ang pagsilip niya na ito sa kabaong ng kaniyang ama ay huli na pala.



Hindi napigilan ng maraming mga netizens ang maluha dahil sa nakakaantig na larawang ito ng isang bata na tila nasasabik na sa kaniyang ama na animo ay natutulog lamang. Hindi batid ng kawawang sanggol na wala nang buhay ang kaniyang ama at ilang sandali na lamang ay tuluyan na itong mawawalay sa kaniya at hindi na niya ito muling masisilayan pa.

Ang naturang mga larawan ay mula mismo sa post ng netizen na nakilala bilang si Julie Ann Balonzo. Ayon sa kaniyang caption ay kapatid niya ang nakahimlay na lalaki sa loob ng kabaong at anak naman nito ang batang tila gumigising sa kaniya.

Animo’y ramdam ng bata ang sitwasyon kahit pa nga napakamura pa ng kaniyang kaisipan upang maunawaan ang lahat. Marami namang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay at nag-alay ng kanilang mga panalangin para sa sanggol na ito gayundin sa mga taong naiwan ng lalaking pumanaw.

Mayroon ding ilang mga netizens na nagpahayag ng kanilang pagnanais na matulungan ang batang ito gayundin ang kaniyang ina dahil sa hindi rin naman talaga biro ang mawalan ng katuwang sa buhay lalo na sa gitna ng pandemya. Nawa ay mas marami pang tao ang mag-abot ng tulong para sa naulilang pamilya lalo na sa sanggol na ito.