Ang edukasyon ang isa sa pinakamagandang pamana ng nga magulang para sa kanilang mga anak. Talagang nagsusumikap ang mga magulang na mapagtapos ang kanilang mga anak gaano man kahirap ang buhay.


Kahit pa magkanda-kuba sila sa pagtatrabaho ay talaga namang sisikapin nilang mairaos ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Tila naging natural na ito sa maraming mga Pilipinong magulang.


Para sa kanila, oras na mapagtapos na nila ng kolehiyo ang kanilang mga anak ay natupad na nila ang isa sa mga pangarap nila sa buhay. Kung kaya naman talagang malaking bagay ito para sa mga magulang.



Nakakalungkot lamang talaga na marami pa ring mga mapanghusgang tao sa mundo na hindi man lang nag-iingat sa mga salitang binibitawan nila at mga bagay na iniisip nila sa isang tao. Ito ang naging karanasan ng netizen na si Andrew Pineda.

Ayon sa naging viral post niya sa social media ay palagi siyang nakakarinig ng mga masasakit na salita sa ibang tao dahil lamang nagtitinda sila ng ulam at iba pang pagkain ng kaniyang ina sa tabing kalsada. Madalas niyang naririnig na “hindi ba nakapagtapos ng Educ yan?”, “Bakit wala pa siyang trabaho?”, “Dapat humanap na siya ng work!”.

Nagpahayag naman si Andrew ng kaniyang saloobin patungkol dito.


“Opo tindero kami ng mama ko, taga-tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hangga’t nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga ay may silbi at sense tayo sa lipunan.” Pahayag ni Andrew.

Maraming mga netizens din ang sumang-ayon at nakisimpatya sa kaniya na hindi naman talaga dapat ikahiya ang ikinabubuhay ng kaniyang pamilya sa ngayon lalo na at pandemya. Marami ang nawalan ng trabaho at mas marami ang talagang patuloy na naghahanap ng trabaho.



Para sa kaniya, masaya siya sa kaniyang ginagawa para sa kaniyang pamilya. Wala man siyang trabaho bilang isang degree holder ay nakakatulong pa rin siya sa kaniyang pamilya.





Previous articleMother Kween ibinahagi sa publiko ang kaniyang pagpapahouse blessing sa bago nilang tahanan!
Next articleKamote vendor na nagtitinda pa rin kahit basang-basa na ng matinding ulan, umantig sa puso ng publiko!