Ang pagpapakasal ay isa sa pinakamasayang parte sa buhay ng isang tao. Talaga namang napakabigat na desisyon nito sa dalawang taong ikakasal dahil sa ito ay panghabang-buhay na at hindi na maaari pang bumalik sa dati kung napagod o nagsawa ka na.

Maaaring mayroong mga bansa sa mundo na pinapahintulutan ang diborsyo o maging ang pagpapawalang-bisa ng kasal ngunit ibang usapan ito para sa mga Kristiyanong bansa tulad na lamang halimbawa ng Pilipinas. Ngunit kung ang kasal ay isang kasiyahan at selebrasyon para sa marami, para sa “groom” na ito sa Cambodia ay nagmistula itong bangungot nang bigla na lamang hindi nagpakita sa araw mismo ng kanilang kasal ang kaniyang mapapangasawang babae.



Dahil sa nakakahiya at napakasakit na pangyayaring ito para sa buong pamilya ay ang kapatid na babae na lamang ng lalaking ikakasal ang pumalit sa dapat sana ay mapapangasawa nito para lamang matuloy ang seremonya. Ginawa ito ng magkapatid upang hindi na madismaya ang maraming mga bisita ng naturang kasal.

Ang lalaking ikakasal ay halos mahimatay pa sa kaniyang “wheelchair” ng malaman na hindi sumipot ang kaniyang mapapangasawa sa kanilang kasal. Buti na lamang ay nagpasyang pumalit sa pwesto ng babaeng ikakasal ang kapatid ng “groom” para lamang matuloy ang naturang kasalan.

Kapansin-pansin din naman na pilit dinadamayan at kinakalma ng kapatid na babae ang lumuluha niyang kapatid dahil sa labis na pagkabigo. Matapos ang kasalan ay agad na nagbahagi sa social media ng kaniyang saloobin ang kapatid ng lalaking ikinasal.



Ayon sa kaniya ay hindi na dapat pa pinaglaruan ng babae ang damdamin ng kaniyang kapatid at maging ang kanilang buong pamilya. Kung ayaw talagang magpakasal ng babae ay dapat sanang nagsabi ito kaagad at hindi na hinintay pang maihanda ang lahat at sumapit ang mismong araw ng kanilang kasal bago iwan ang kawawa niyang kapatid.

Dagdag pa ng kapatid na lalaki ng “groom”, magiging masaya na sana ang kaniyang kapatid dahil mapapakasalan na nito ang babaeng kaniyang pinakamamahal ngunit dahil na rin sa pamilya ng babae kung kaya iniwan niyang luhaan ang kawawa nilang kapatid. Kung kaya naman naging kapalit na lamang ng babaeng nang-iwan ang kanilang kapatid na babae upang maisalba pa mula sa kahihiyan ang kanilang pamilya.