Showbiz

Kristine Hermosa, masayang ibinahagi sa publiko ang kaniyang pagbubuntis sa ikalimang anak nila ng kaniyang mister na si Oyo Boy-Sotto!



Napakarami na nating naranasan ngayong taong 2020. Hindi lamang sakuna, kalamidad, pandemya at marami pang mga alalahanin sa buhay.

Madalas ay nais na nating sumuko sa buhay ngunit palagi pa rin tayong binibigyang ng Diyos ng dahilan upang maging positibo at magpakatatag sa buhay. Maaaring napakarami nating mga problema sa ngayon ngunit mas marami pa rin naman tayong natatanggap na biyaya.

Photo credit: Kristine Hermosa instagram

Halimbawa na lamang ang biyayang natanggap ng pamilya nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto. Nagbahagi kasi ng isang “pregnancy test kit” na positibo ang aktres sa kaniyang social media account kalakip pa ang “sonogram” ng ikalima nilang anak ng kaniyang mister na si Oyo.



Mayroon ding sulat ang anak nilang si Ondrea na tila ba humihiling na sana ay “baby girl” ang ipinagbubuntis ng kaniyang mommy Kristine. Taong 2011 nang ikasal sina Oyo at Kristine sa Batangas.

Photo credit: Kristine Hermosa instagram

Bago pa man sila ikasal ay mayroon nang adopted child ang aktres, si Kristian Daniel. Nang taon ding iyon ay isinilang ni Kristine ang anak nilang si Ondrea Bliss.

Taong 2014 naman ay nagsilang muli ng isa pang lalaki na pinangalanan nilang Kaleb Hanns. Dalawang taon ang lumipas ay ipinanganak naman niya si Marvic Valentin.

At ngayon nga ay talagang nasasabik na silang lahat na masilayan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Bumati rin naman ang maraming mga netizens at mga celebrities sa napakagandang balita na ito ng mag-asawa.

Photo credit: Kristine Hermosa instagram

Dalangin ng marami ang kaligtasan at maayos na pagbubuntis ni Kristine. Hindi rin naman niya nakalimutan na magpasalamat sa Diyos dahil sa “answered prayer” na ito.



Tunay nga na kapag umaasa ka sa Diyos ay hindi ka niya bibiguin kailanman. Kung kaya naman talagang napakagandang biyaya nito para sa pamilya nina Oyo at Kristine.

Photo credit: Kristine Hermosa instagram

Sa kabila ng nangyayari ngayon sa ating paligid ay napakarami pa rin talagang dapat ipagpasalamat sa Diyos, ang ating buhay at ang buhay ng ating mga minamahal.