Viral

Kilalanin ang napakaganda at nakakabighaning asawa ng basketbolistang si James Yap, si Michela Cazzola!



Si James Carlos Agravante Yap Sr. o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si James Yap ay 38 taong gulangg na professional basketball player para sa “Rain or Shine Elasto Painters” ng Philippine Basketball Association (PBA). Tinagurian siyang “King James”, “Big Game James”, “The Man with a Million Moves”, “Big Game”, at “Boy Thunder” ng kaniyang mga tagahanga.

Talaga namang marami ang humahanga sa kaniya dahil sa pambihirang husay niya sa pagbabasketbol at dahil na rin sa angkin niyang kakisigan. Hulyo 10, 2005 ay ikinasal sila ng aktres at batikang host na si Kris Aquino.



Abril 19, 2007 ay isinilang ni Kris ang panganay nilang anak na si James Carlos Aquino Yap Jr. (“Bimby”) sa Makati Medical Center, Makati. Makalipas ang tatlong taon ay ibinunyag ng Kris na nakipaghiwalay na siya kay James dahil sa personal na kadahilanan.


Nang magkahiwalay sila ay nagkaroon pa siya ng isang anak sa kaniyang dating kasintahan. At ngayon ay masaya siyang namumuhay kasama ang kaniyang partner na si Michela Cazzola na isang Italian banker.

Isinilang niya ang pangatlong anak ni James at panganay nilang anak na si Michael James noong 2016. Makalipas ang dalawang taon ay muli siyang nagdalang tao at pinangalanan nila siyang Francesca Michelle.



Kahit pa nga dalawa na ang kanilang mga anak ay tila ba parang dalaga pa rin ang pangangatawan ni Michela. Kapansin-pansin kasi na ganoon na lamang ang kaniyang pangangalaga at pagpapahalaga sa kaniyang kalusugan at katawan bilang isang babae.


Kung kaya naman napakaraming mga netizens din talaga ang napa-sana all sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Tunay nga na hindi dapat pabayaan ng mga kababaihan ang kanilang sarili kahit pa nga mayroon na silang mga anak ay kayang-kaya pa rin nilang maging maganda at magkaroon ng mataas na kompiyansa sa kanilang sarili.

Hindi natin dapat gawing dahilan ang pagiging ina natin upang mapabayaan mismo natin ang ating sarili. Dahil sa mas kailangan nating maging malakas at malusog para sa ating pinakamamahal na pamilya.