Showbiz

Kilalanin ang mga “half-sister” at “half-brother” ng mga sikat na artistang celebrity din pala!



Ang pamilya ang isa sa pinakamahalagang tao sa ating buhay. Maaaring hindi natin sila mga kapatid sa kapwa natin mga magulang, maaaring kapatid natin sila sa ama o sa ina ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat ay hindi na natin sila mahalin ng buong puso.

Ang mga ganitong klase ng indibidwal ay kadalasang nagiging maayos ang relasyon lalo na kung naging “mature” na sila at tumungtong na sila sa tamang edad. Karamihan sa kanila ay mayroon nang matatag na relasyon kahit pa noong mga bata sila.

Ngunit alam ba ninyong sa industriya ng show business ay mayroon ding mga “half-siblings”? Maaaring hindi natin sila madalas makitang magkasama sa harap o likod ng kamera ngunit ang mga artistang ito ay mayroong maayos na relasyon sa kanilang mga “half-siblings”.



Narito ang ilan sa kanila:

SHERWIN ORDONEZ AT RJ RAMOS


Maaalalang noong July 2018 ay nahuli sa isang “buy bust” operation ang dating child star na si CJ Ramos ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya pinabayaan ni Sherwin.

ARA MINA AT CRISTINE REYES


Half-sisters sina Ara at Kristine dahil sa kanilang ina na isang dating aktres, si Venus Imperial. Nalaman ni Ara na hindi pala ang tatay ni Cristine ang tunay niyang ama kundi si Chuch Mathay. Noon ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit sa ngayon ay talaga namang maayos na ang relasyon nilang dalawa.



GABBI AT ANDI EIGENMANN


Taong 2014 nang pumanaw ang ama nina Gabbi at Andi na si Mark Gil. Ang ina ni Gabbi ay si Irene Celebre habang si Jaclyn Jose naman ang ina ni Andi na kapwa rin mga artista.

RJ PADILLA AT DANIEL PADILLA


Halos apat na taon pa lamang ang nakakalipas ng malaman nina RJ at Daniel na iisa ang kanilang ama, ang dating aktor na si Rommel Padilla.

MARK ANTHONY AT RENZ FERNANDEZ




Taong 2014 nang humarap si Mark Anthony sa isa sa pinakamahirap na pagsubok ng kaniyang buhay. Nang taon kasing iyon ay hiniwalayan siya ng kaniyang misis na si Melissa Garcia. Gayunpaman ay patuloy siyang dinamayan at sinuportahan ng kaniyang kapatid na si Renz. Ang kanilang ama ay ang namayapang aktor na si Rudy Fernandez. Ina ni Renz si Lorna Tolentino habang si Alma Moreno naman ang ina ni Mark Anthony.