Ang 49 na taong gulang na si Charlotte Jennifer Rodriguez Olson o mas nakilala ng publiko bilang ang aktres na si Lotlot de Leon ay dati nang ikinasal sa isa ring aktor na si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez.

Maaalalang March 27, 1989 nang sila ay magpakasal ngunit taong 2010 nang inamin nila ang kanilang paghihiwalayan. Ang dating mag-asawa ay parehong nagmula sa angkan ng mga sikat na artista. Si Monching ay anak ni “Asia’s Queen of Songs” Pilita Corrales at ng veteran actor na si Eddie Gutierrez habang si Lotlot naman ay anak nina Nora Aunor at Christopher De Leon.

Ngunit kahit na hindi nagtagal ang pagsasama nila nilang mag-asawa ay biniyayaan naman sila ng apat na mga anak, sina Janine, Diego, Maxine, at Jessica. Tulad ng kanilang mga magulang, dalawa sa mga anak nina Monching at Lotlot ay pumasok rin sa industriya ng show business.

Isa na rito ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez at ang kanilang “Unico Hijo” na si Diego na noong nakaraang taon lamang ay pumirma na ng five-year managerial contract sa ilalim ng “LVD Management” ni Leo Dominguez. Bukod sa kanila ay pumukaw din sa atensyon ng publiko ang isa pa nilang anak na babae na talaga namang napakaganda rin.

Bukod kasi sa “natural brunette hair” nito ay mayroon din siyang asul na mga mata. Siya ay si Jessica Gutierrez na isinilang noong April 15, 1992.

Siya ay nagtapos sa Ateneo de Manila University. Sina Lotlot at Monching ay mayroong American at Spanish na dugo kung kaya naman mukhang dayuhan ang kanilang mga anak.

Ayon sa ilang mga ulat ay malapit si Jessica sa kaniyang mga magulang at mga kapatid lalo na sa aktres na si Jessica.ang 28 taong gulang na dalaga ay isang certified dog lover at mahilig din magbiyahe. Ilan na nga sa kaniyang mga napasyalang mga lugar ay ang Boracay, Bohol, Tokyo, New York, Singapore, at Los Angeles.

Madalas din siyang mamataan sa beach kung saan kasama niya ang kaniyang nobyo na si “Play FM 99.5 DJ” na si Jelo Andres.