Halos ilang araw na rin ang nakalilipas mula nang maranasan ng Luzon at ibang bahagi pa ng bansa ang sunod sunod na mapaminsalang ulan. Isa nga sa pinakatumatak sa maraming mga Pilipino ay ang bagyong Ulysses na talagang hinagupit ng malalakas at walang tigil na pag-ulan ang Cagayan, Isabela, Marikina at ilan pang mga bayan sa Luzon.

Nagdulot ito ng labis na pagbaha na talagang nagpalubog sa maraming mga kabahayan at naging dahilan upang mawalan ng tahanan ang maraming mga pamilya. Sa kabila ng pandemya at mga kalamidad na ito ay mayroon pa rin palang mga taong nagnanais na magpaabot ng tulong sa mga mas nangangailangan.




Halimbawa na lamang ang dalawang sikat na personalidad na sina KC Concepcion at Ruffa Gutierrez. Kamakailan lamang kasi ay lumipad patungong Cagayan ang dalawang aktres kasama ang ilan nilang mga kaibigan lulan ang eroplano ni Chavit Singson upang magpaabot ng tulong sa mga apektadong pamilya doon.


Nagbahagi ng isang video si KC kung saan makikita ang pagbiyahe nila patungo sa nasalantang probinsiya. Nagpasalamat din naman si KC para sa mga taong bumili ng ilan sa kaniyang mga Avec Moi pieces dahil sa magagamit din itong tulong para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Cagayan.


Nagtungo din naman si KC kasama si Ruffa at ang kaniyang mga anak na sina Lorin at Venice sa Brgy. Linao sa Tuguegarao upang mamahagi ng pagkain, tubig at kumot sa mga residente. Hindi alintana ng mga sikat na celebrity na ito ang panganib na dulot ng pandemyang patuloy pa ring kumakalat sa ngayon.


Sa halip na magreklamo sa napakaraming mga taong dumagsa sa pamimigay nila ng mga relief goods ay talagang ninais nilang makadaupang-palad ang mga residenteng nasalanta ng bagyo. Maraming mga netizens ang talagang humanga at bumilib sa mga personalidad na ito dahil sa pagmamalasakit at pagtulong na ibinigay nila sa mga taong mas nangangailangan lalo na ngayon sa panahon ng kalamidad at pandemya.





Previous articleSarah Lahbati, masayang ibinahagi sa publiko ang pagkakaroon nila ng isang baby girl sa kanilang pamilya!
Next articleSenador Manny Pacquiao, ido-donate ang kaniyang endorsement fee para sa mga naging biktima ng bagyong Ulysses!