Showbiz

Kathryn Bernardo sinagot na ang usap-usapang pinaretoke diumano ng aktres ang kaniyang ilong!



Minsan nang nagsalita ang aktres na si Kathryn Bernardo patungkol sa mga nagsasabing pinaayos at pinaretoke daw niya ang kaniyang ilong. Sa isang laro na pinamagatang “Never Have I Ever”, binanggit ng doktor na si Aivee Teo na maraming mga tao ang nagdududa sa ilong ni Kathryn dahil mukha daw itong pinaretoke o pinagawa sa doktor.

Agad naman itong sinagot ni Kathryn at sinabing madalas nga niyang naririnig ang mga tanong na ito dahil sa malaki daw talaga ang pinagbago ng kaniyang ilong noon kumpara sa ngayon. Ngunit ang palagi lang niyang isinasagot sa kanila ay “No.”



Dagdag pa ng aktres, kailan man ay hindi siya pinilit ng kaniyang doktor na ipagawa ang kaniyang ilong. Noon pa man ay masaya at kuntento na siya sa kaniyang ilong.

Marahil ay nagbago lang ito mula nang pumayat siya at medyo tumanda kung kaya ito ay lumiit. Binigyang-diin din niyang hindi ginawa ng kaniyang doktor na si Doc Aivee o ng kahit sino pang doktor bago siya ang kaniyang ilong kung kaya naman totoo talaga ang kaniyang ilong.

Ayon naman kay Doc Aivee, natural lamang na mas makita ang “physical features” ng isang tao lalo na kung pumapayat ito. Para naman kay Kathryn, walang masamang magpa-retoke o sumailalim sa isang surgery lalo na kung gusto talaga ng isang tao at dito siya magiging masaya.



Pero para sa kaniya, masaya na siya kung ano siya ngayon. Sa naging panayam din sa kaniya noon ng batikang host na si Boy Abunda ay matapat na niyang sinagot ang usaping ito.

Sa kaniyang naging sagot at hindi talaga siya nagpagawa o nagparetoke ng kaniyang ilong kahit noon pa man kung kaya naman sana ay tumigil na raw ang mga taong bumabatikos sa kaniya. Tunay nga na malaki na ang pinagbago ni Kathryn mula noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya.



Ngunit higit pa sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan ay talaga namang napatunayan na rin niya ang kaniyang sarili lalo na pagdating sa mga proyektong kaniyang kinabilangan noon at ngayon.