Si Kathryn Bernardo ay 24 na taong gulang na aktres, modelo, endorser at negosyante. Isa siya sa pinakahinahangaang aktres ng kaniyang henerasyon at talaga namang marami ang tumitingila sa kaniya bilang isang mahusay na artista.

Photo credits: Kathryn Bernardo / Youtube

Hindi naman na bago sa kaalaman ng publiko ang napakarami niyang mga proyekto at pelikula na talagang kumita ng malaki sa takilya man o maging sa mga teleserye niya sa telebisyon. Dahil sa pambihirang dedikasyon at kasipagan niya sa trabaho ay marami na rin siyang pinaglaanan ng kaniyang pinaghirapang pera.

Hindi lamang sa kaniyang mga negosyo siya nag-invest kundi maging sa kanilang tahanan. Ipinaayos niya kz ngayon ang kanilang tahanan at talaga namang napakaganda ng kinalabasan nito.



Photo credits: Kathryn Bernardo / Youtube

Ipinasilip niya sa publiko ang kaniyang napakagandang “kitchen area”. Sa latest vlog ng aktres ay tinampok niya ang isang “kitchen tour” na talaga namang pinakahihintay ng kaniyang mga tagasuporta.

Ang kaniyang kusina ay talaga namang napakalinis at napakaaliwalas. Halos lahat ng sulok nito ay kulay puti na talaga namang mas nagbibigay ng liwanag at kaayusan sa buong lugar.

Mapapansin din ang ilang mga kagamitan na pang-bake ni Kathryn dahil mahilig din siya rito. Maging ang mga kagamitan niya sa bawat drawer ay organisado ring lahat.

Photo credits: Kathryn Bernardo / Youtube

Marami din siyang mga “tumbler” dahil sa isa ito sa mga kailangan niya sa trabaho lalo na sa mga “taping” at “shooting” niya. Payo din niya sa kaniyang mga tagasubaybayan na talaga namang magiging kapaki-pakinabang sa maraming mga kababaihan na nais magkaroon ng maaliwalas at maayos na kusina tulad na lamang ng kay Kathryn.



Tunay nga na nagsilbing inspirasyon ang aktres sa maraming mga kababaihan dahil sa nakamit niya ang tagumpay na nararanasan niya ngayon sa kaniyang buhay mula sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa kaniyang trabaho. Noon pa man ay isa nang mahusay na aktres si Kathryn habang nagsisimula pa lamang siya sa industriya ng showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Ilang mga taon na ang lumipas at sa dinami-rami na ng kaniyang mga napagtagumpayang pagsubok ay talaga namang karapat-dapat siya sa kung ano pa mang meron siya ngayon.





Previous articleIto pala ang tunay na ugali ni Judy Ann Santos sa likod ng kamera, talaga namang nakakagulat at maraming hindi makapaniwala!
Next articleAsawa ni Ka Tunying, sobra sobra ang paghanga sa katapangan ng kaniyang 12-anyos na anak na kasalukuyang nakikipaglaban sa isang malubhang karamdaman!