Ang ating R&B Prince na si Jay-R o si Gaudencio Sillona III sa tunay na buhay ay ikinasal na sa kaniyang longtime girlfriend na si Mica Javier. Si Mica ay isang mang-aawit at aktres na miyembro rin ng GirlTrends member na madalas na mapapanuod sa “It’s Showtime”.


Ikinasal sila nito lamang Marso 1 sa isang Christian Wedding sa tabing-dagat ng Lind Hotel sa isla ng Boracay. Ang mga larawan ng espesyal nilang kasalan ay ibinahagi ng “Events by Amanda Tirol” sa kanilang social media account.


Ilan sa mga taong nakasama nina Jay-R at Mica sa kanilang kasal ay ang ilan sa kanilang mga kaanak at malalapit na kaibigan tulad na lamang nina Jaya, Jason Dy, Kris Lawrence, Billy Crawford at ang kaniyang misis na si Coleen, KC Concepcion, Kylie Versoza, Jake Cuenca, at KC Montero. Nagbahagi rin naman sa kaniyang Instagram account si Coleen ng nakakaantig na wedding vow ni Mica para sa kaniyang mister na ngayon na si Jay-R.


Maging si Kris Lawrence ay bumati rin naman sa bagong kasal. Nagpost ito ng larawan ng bagong mag-asawa at nilagyan niya rin ito ng caption. Sa naging panayam sa kanila ng PEP ay simpleng kasalan lamang talaga ang kanilang nais.


Pagpapaliwanag pa ni Jay-R, hindi naman sila kontra sa mga taong gustong magkaroon ng magarbong kasalan, maaaring iba lang talaga ang nais nilang maganap para sa kanilang kasal at ito ay ang pagiging simple lamang. Maaalalang Oktubre 21, 2018 nang ma-engage ang dalawa matapos ang halos pitong taon nilang pagsasama bilang magkasintahan.


Tunay nga na hinangaan ang dalawa sa pagiging simple nila at praktikal. Talaga namang makikita rin sa kanilang mga mata ang pambihirang pagmamahal at pagtatangi nila para sa isa’t-isa.


Sila ay isa lamang halimbawa na hindi naman din lahat ng tao ay nagnanais nang magarbong kasalan dahil para sa kanila wala rin namang problema ang pagkaroon ng simpleng ngunit makahulugang kasalan.