Inspiration

Karanasan ni Gloc-9 noong bata pa siya, umantig sa puso ng publiko at nagbigay inspirasyon!



Tiyak na ang bawat isa sa atin ay mayroong mga nakakatuwang kwento ng ating kabataan. Ngunit para kay Gloc-9, talaga namang hindi niya makakalimutan ang naging karanasan niya noon para lamang mabili niya ang matagal na niyang pinapangarap na laruan.


Umantig sa puso ng publiko ang naging Facebook post niya noong Nobyembre 13 patungkol isang kwento ng kaniyang kabataan. Ayon kay Gloc-9, nasa ikaapat na baitang pa lamang siya noong mga panahon na iyon. Gusto niya talagang makapag-ipon ng pambili niya ng laruang gustong gusto niya.


Dahil dito ay nanghiram siya ng halagang Php50 sa kaniyang ina at nangako siyang ibabalik ito kinabukasan. Agad naman siyang pinahiram ng kaniyang ina ng perang kailangan niya.
Nang sumunod na araw ay nagtungo siya kaagad sa bakery sa bayan nila sa ganap na ika-5 ng umaga upang bumili ng halagang Php50 na pandesal. Maingat niya itong isinilid sa kahon na mayroong lampin na sapin upang hindi kaaga lumamig at agad siyang nagsimula sa paglalako ng pandesal.



Sa kasamaang palad ay bigla na lamang daw bumuhos ang napakalakas na ulan. Basang basa siya ng tubig ulan at maging ang kaniyang mga paninda ay nabasa rin.

Nanlumo siya at talagang nalungkot ng husto sa naging pangyayari. Ngunit hindi niya inaasahan na mayroon palang isang matandang babae na nagkakape sa balkonahe ng isang bahay na nakakita sa kaniyang kung kaya naman binili nito lahat ng kaniyang paninda.

Masayang masaya ang batang si Gloc-9 dahil sa wakas ay naibenta niyang lahat ang kaniyang paninda, naisauli niya ang inutang niyang pera sa kaniyang ina at higit sa lahat ay tumubo pa siya ng halagang Php40 mula sa ginawa niyang paglalako. Talaga namang nakakamangha ang karanasan niyang ito at napakaraming mga tao ang nabigyan niya ng inspirasyon dahil dito.

Sinong mag-aakala na isa sa pinakasikat na rapper sa buong bansa ay nakaranas din pala ng ganitong sitwasyon na madalas lamang nating mabasa sa mga libro o mapanuod sa telebisyon?