Maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho nitong mga nagdaang buwan. Dahil sa pandemya na nararanasan pa rin natin sa ngayon ay marami nang mga negosyo at maliit na kompanyang hindi na nakayanan pa ang pagkalugi.

Kinailangan na nilang magbawas ng mga empleyado at kalaunan ay tuluyan na rin silang nagsara. Kaya naman mas maraming mga kababayan natin ngayon ang naghahanap ng trabaho at ikabubuhay.



Sa ganito kahirap na sitwasyon ay mas maraming mga kababayan natin ang nagkaroon ng pagpapahalaga at importansiya sa mga trabahong mayroon sila lalo na ang mga “work from home”. Ngunit hindi rin naman lahat ay pinalad na magkaroon ng komportableng trabaho.

Dahil sa sitwasyon natin ngayon ay mayroong ilang mga mahihirap na kababayan natin ang pinipilit na maghanap-buhay kahit pa maaari nilang ilagay sa panganib ang sarili nilang kalusugan at kaligtasan. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang larawan ng isang tindero na ito na nagtitinda ng kamote sa bangketa kahit pa basang-basa na ito ng matinding ulan.

Tila ba hindi ito makauwi dahil sa kailangan pa niyang maubos ang kaniyang mga paninda upang mayroon siyang maiuwing pera sa kaniyang pamilya. Ang netizen na unang nakakita sa mahirap na kalagayan ng tinderong ito ay walang iba kundi si Cindz Mallari-Rodriguez.

“Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig na po kasi sya at basang basa.” Pahayag ni Cindz sa kaniyang post.



Bumili din naman ang ama ni Cindz at hindi na nila kinuha pa ang kanilang sukli upang kahit papaano ay makatulong sa tindero ngunit batid niyang hindi ito sapat. Kung kaya naman nakiusap na siya sa publiko na tulungan ang masipag na tindero kung sakaling madadaan sila sa lugar kung saan ito madalas magtinda.





Previous articleLalaking “degree holder” minamaliit dahil sa nagtitinda lamang ito ng ulam sa tabing kalsada!
Next articleJanella Salvador at Markus Paterson, pinakilig ang publiko sa mga larawan ng bonding moments nila sa England!