Nakahiligan na ng marami sa atin ang mag-alaga ng mga hayop. Ilan na nga sa mga paboritong pets natin ngayon ay aso, pusa, ibon, pagong, hamster, kuneho, mga exotic pets tulad na lamang halimbawa ng ahas, gagamba, scorpion, at marami pang iba.

Image by Team Rescue Iloilo via Facebook

Nararapat lamang na mayroong tayong “commitment” at “sense of responsibility” ano mang uri ng mga hayop ang ating inaalagaan at kinukupkop. Madalas tayong nakakabasa ng mga balita patungkol sa mga taong labis na nagmamahal sa kanilang mga alagang hayop.

Kahit mahirap lamang ang kanilang estado sa buhay, walang tirahan o di kaya naman ay walang sapat na pagkain sa araw-araw, hindi nila itinuturing na iba ang kanilang mga alaga. Malimit nga ay ipinapakain pa nila sa kanilang mga alaga ang dapat sana ay isusubo na lamang nila at ilalaman sa kumakalam nilang mga sikmura.



Image by Team Rescue Iloilo via Facebook

Ngunit hindi akalain ng publiko na mayroon pa rin palang taong nakakayang iwanan ang mga kawawang hayop sa hindi magandang sitwayson. Tulad na lamang ng 13 tuta na ito na iniwanan na lamang basta basta sa isang bakanteng lote kahit pa nga napakalakas ng ulan ng kinagabihang iyon.

Buti na lamang at mayroong nagmagandang-loob na kupkupin muna ang mga ito. Ayon sa Team Rescue Iloilo sa kanilang Facebook account, natagpuan ni Ren Fox Gab Jr. ang 13 mga tutang nakasilid pa sa kahon sa isang bakanteng lote na matatagpuan sa Monte Rosa Subdivision, Hibaoan, Mandurriao, Iloilo.

Image by Team Rescue Iloilo via Facebook

Nag-abot din ng kaunting tulong pinansiyal si Ren para sa Team Rescue Iloilo na isang isang non-profit organization na may adbokasiyang itaguyod ang karapatan ng mga “stray pets”. Ang kaunting halagang ibinigay ni Ren ay makakatulong sa kanilang upang mabilhan ng mga pagkain at bitamina ang mga tuta na ito.

Ayon pa sa ilang mga balita ay ihahanda ng grupo ang mga tutang ito para sa “adoption” na ilulunsad nila sa ika-18 araw ng Disyembre sa Sky Garden Festive Mall, Iloilo.

Source: Facebook







Previous articleMga naggagandahang Christmas tree ng mga sikat na Filipino celebrities ngayong panahon ng Kapaskuhan ating silipin at tiyak na mamamangha tayong lahat!
Next articlePaula Peralejo, isa sa pinakamagandang aktres ng kaniyang henerasyon noon. Nasaan na nga kaya siya ngayon matapos niyang talikuran ang show business?