Showbiz, Viral

Judy Ann Santos, tuloy pa rin ang pagluluto at pagpapamigay ng halos 300 na food packs para sa mga frontliners kahit pa nga bumabagyo!



Sa panahon ng mga sakuna, kalamidad man o pandemya ay marami pa ring mga taong nagnanais na tumulong sa kanilang kapwa. Maaaring hindi lahat tayo ay pinagpalang magkaroon ng maraming mga ari-arian o maraming salapi sa bangko ngunit ang pagtulong sa kapwa ay hindi naman dahil lamang sa mga materyal na bagay na mayroon tayo.

Kadalasan ay mas masarap sa pakiramdam na tumulong ka sa paraang kaya mo at alam mo. Tunay nga na naging inspirasyon sa publiko ang napakagandang adbokasiya ng aktres na si Judy Ann Santos na tulungan ang ibang tao sa pamamaraan ng kaniyang masarap na pagluluto.



Kamakailan lamang ay umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko si Juday dahil sa kahit pa nga matindi ang bagyo ay tuloy pa rin ito sa paghahanda ng mga pagkaing ipapamahagi sa mga frontliners. Katuwang din ng batikang aktres ang kaniyang Greencross family.


Ibinahagi niya sa kaniya mismong social media account ang ilang mga larawan niya kasama ang mga taong tumulong sa kaniya upang makapagluto at makapaghanda ng mga pagkaing ito. Nilinaw din naman niyang sumailalim muna ang bawat isa sa swab test kabilang na rin siya upang masigurado na ligtas ang mga pagkain na kanilang ihahanda.

Dagdag pa ng aktres ay walang bagyo bagyon para sa mga taong nais magbigay ng tulong sa kapwa. Masarap daw sa pakiramdam ang pagpapakita ng malasakit hindi lamang sa mga frontliners natin kundi sa lahat ng kapwa natin.



Tunay nga na napakapalad ng pamilya nina Ryan at Juday dahil hindi lamang sila isang masaya at kuntentong pamilya. Nagbibigay din sila ng inspirasyon sa maraming mga Pilipino dahil sa ginagawa nilang pagtulong sa kapwa at sa pagmamahal na mayroon sila sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Tiyak na magiging matagumpay ang kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna dahil sa talaga namang mabubuting tao ang kanilang mga magulang.