Viral

Jinkee Pacquiao nagbahagi ng napakagandang larawan ng kanilang eleganteng Christmas tree sa General Santos City!



Si Jinkee Pacquiao ay 41 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality at isang occasional film producer. Minsan na siyang naglingkod bilang bise-gobernador ng Sarangani, Mindanao, mula taong 2013 hanggang 2016.

Siya rin ang misis ng professional Filipino boxer at incumbent Senator na si Sen. Manny Pacquiao. Sila ay biniyayaan ng limang mga anak, sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie), at Israel.



Ang kanilang pamilya ay talaga namang hinahangaan ng publiko hindi lamang dahil mayaman at matagumpay na sila ngayon kundi dahil sa napakabuting kalooban nila para sa mga taong nangangailangan. Maliban sa magagarbong mga mansyon nila sa loob at labas ng bansa, mga mamahaling mga sasakyan at napakarami pang ari-arian, hindi pa rin nila nalilimutang magbalik ng mga biyaya sa ibang tao.

Sa katunayan nga, kahit pa humarap sa pambabatikos ng isang sikat na aktres si Jinkee dahil sa mga social media post niya ay marami opa rin ang nagtatanggol at mas lalong sumuporta sa buong pamilya Pacquiao. Kahit kasi nasa kanila na ang lahat ay nananatili pa rin silang mapagpakumbaba at matulungin sa kapwa.

Ilan sa pinakapinagkakaguluhang post ngayon ni Jinkee ay ang kanilang Christmas tree. Talaga naman kasing napakalaki nito at napakagandang tignan.

Aakalain mong sa mga “fairytale” mo lamang makikita ang tila Swan-theme Christmas tree na ito. Ang napakaelegante at tiyak na mahal nilang dekorasyon para sa araw ng Pasko ay nasa bahay pala nila mismo sa General Santos City.



Napakaraming mga netizens ang napa-sana all at napa-wow sa post na ito ni Jinkee. Ang Kapaskuhan ay nakasanay na ng maraming mga Pilipino. Tila ba ito ay talagang nakaukit na sa ating kultura kung kaya naman marami sa atin ang talagang pinaghahandaan ang panahong ito.

Ang Kapaskuhan kasi para sa atin ay panahon ng pamilya, pagmamahalan at pagbibigayan. Hindi natin ito dapat kalimutan, mayaman man tayo o mahirap.