Ang pamilya Pacquiao ay hindi lamang hinangaan ng publiko at ng marami pang lahi sa buong mundo dahil sa pambihirang husay ng kanilang haligi ng tahanan na si Manny Pacquiao sa ibabaw ng ring kundi dahil sa pagiging mapagpakumbaba at mapagbigay ng kanilang pamilya sa kabila ng kanilang nakakalulang yaman. Bukod pa sa mga ito ay napakatatag din ng kanilang pananampalataya sa Diyos at pagmamahalan bilang isang pamilya.


Bagamat mayroong limang mga anak sina Manny at Jinkee na sina Jimuel, Michael, Mary, Queenie, at Israel ay talaga namang naibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak at napag-aaral sila sa isang mamahaling paaralan.

Talaga namang kahanga-hanga ang naging pagpapalaki nila sa kanilang mga anak dahil kahit pa hindi sila lumaki sa hirap tulad ng kanilang mga magulang ay hindi naman sila naging mayayabang o masama ang ugali, bagkus ay naging mababait silang mga anak na may takot rin sa Diyos at matinding pananampalataya.

Kahit pa nga napakarami nang ari-arian ng pamilya Pacquiao ay hindi pa rin nila nalilimutan ang kanilang naging buhay noon. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Senator Manny ang paborito niyang “ginamos” at nilagang saging na pinasubukan rin niya sa kaniyang mga anak.


At gayundin naman ay tinuruan din ng mag-asawang maglaba ang mga anak nilang babae na sina Mary at Queenie. Maaaring simpleng bagay lamang ito sa iilan ngunit hindi pa rin talaga biro ang matuto kang maglaba ng mano mano o kamay lamang ang gamit lalo kung lumaki ka sa isang mayamang pamilya tulad ng mga anak ng mag-asawang Pacquiao.

Tunay nga na naging kapaki-pakinabang at produktibo ang mga oras na lumilipas habang pinapairal pa rin ang enhanced community quarantine sa ilang mga lugar sa bansa. Talaga namang huwaran at inspirasyong maituturing ang pamilyang ito para sa maraming mga pamilyang Pilipino.


Patunay sila na napakahalaga ng matatag na pananampalataya at masayang pamilya kumpara sa mga materyal na bagay sa mundo.